Chapter 6

151 22 0
                                    

Nanatili ako sa pwesto ko kahit kanina pa nakaalis si Cy at Trip. Hindi ko maalis sa isipan ko ang pagsigaw ni Cy kanina.

It was the first time I saw him that aggressive. I mean, oo, aggressive siya sa court pero ibang-iba 'yong kanina. Grabe naman kasi mang-asar si Trip gayong nagmamadali ang tao.

"Why are you here?" Nilingon ko si Ava na kalalapit lang sa akin at kunot ang noo. "Where have you been? Bakit hindi ka pumasok sa first period? Gosh, Achi!"

Natawa lang ako sa sunod-sunod niyang mga tanong. I clinged to her arms.

"Nalate lang. Nagstay muna ako sa library for a while." Nagsimula na kaming maglakad papunta sa classroom para sa second period namin.

"The librarian allowed you to do that?" taas kilay niyang tanong, nag-aabang sa sagot ko.

I became silent. Isa 'yan sa pinoproblema ko. Hindi ko alam kung anong oras ko pwede isingit ang pagiging assistant ko sa library dahil may trabaho ako 'pag gabi.

Sumasakit ang ulo ko kakaisip.

"Yup. Just for that one time," sagot ko na lang. Alam kong kapag sinabi ko sa kanya ang kwento ay tiyak na magagalit ang babae.

She would say that my schedule is too hectic for that. Alam ko naman iyon pero anong magagawa ko? Kaysa naman magkaroon ako ng bad record sa office.

Our second period ended eventually. Nagdiscuss lang kami at a short quiz after. And then, it was already lunch time before I could even blink my eyes.

"Lunch? Don't tell me may iba ka na namang gagawin?" Hinawakan ni Ava ang braso ko para tiyaking hindi na naman ako makatakbo katulad ng mga nakaraang pangyayari.

"I got this." I giggled and showed her the blue lunch box I found this morning.

Kumunot ang noo ko nang magtagal ang tingin niya dito bago tumawa at umiling-iling pa. Nang mapansin niya ang nagtataka kong tingin ay umayos ang babae.

I can still see her muffled laughter.

"Anong nakakatawa?" Ngumuso ako at tiningnan ang hawak kong lunch box.

"Hmm?" She muffled laughter again before walking first.

"Ano ba! Anong nakakatawa, Ava?" 

"It's cute," she said. Humabol ako ng lakad sa kanya at nang makasabay ako ay muli akong humawak sa braso niya.

"Really?" nakangiti kong tanong.

She looked at it again and laughed for the second time. Kumunot lang ang noo ko at hindi na lang pinansin ang pagtawa niya.

Nang makarating kami sa canteen ay namataan ko ang grupo ng mga basketball players mula sa Psychology department. I pointed them using my lips.

"Bakit nandito ang mga 'yan? Wala ba silang canteen sa department nila?" tanong ko kay Ava habang tumitingin siya ng mga table na pwede naming pwestuhan.

My eyes fixated on Cy who was talking to his colleague. Nang dumako naman ang tingin ko kay Trip na nasa tabi lang ng lalaki ay nakangisi itong kumaway.

I responded with a smile and waved a little.

"Kilala mo?" kunot-noong tanong ni Ava nang makaupo kami sa bakanteng table. 

Nakatingin siya kay Trip na nakatingin pa rin sa akin. Tumango lang ako at binuksan ang lunch box na naiwan kanina.

"Under renovation 'yong canteen nila kaya siguro dito muna nag lunch."

Napanguso ako nang makitang naging matigas na ang mantika ng adobo. I can't eat it like this. 

"Ipapainit ko lang 'to." Tumayo ako at lumapit sa counter. Mabuti na lang at nakaorder na ang lahat kaya naiwan ako sa linya.

Hues in Diliman (Abstract Series #1)Where stories live. Discover now