Chapter 18

146 22 12
                                    

"Who said I'll be a responsibility to you? I'll be light as a feather, Saachi. Just give me a chance."

Umawang ang labi ko nang marinig 'yon. I opened my lips to at least respond, but quickly closed it again since I was speechless.

He chuckled and brushed his not so long hair using his fingers. He licked the lower part of his lips before fixing his glasses.

"I am not eager for an answer," he assured. "I'll give you time to think about it. I'll be waiting, Saachi."

"Hey! Hey!"

Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko at sinamaan ng tingin si Ava na nakataas ang kilay habang nakatingin sa akin.

I took a deep breath and opened a book laid on the table. Nasa National Bookstore kami ngayon which is sinama lang ako ni Ava.

We decided to stay for a bit while waiting for the exam results to be posted.

"So, I was asking you… hmm." Nag-angat ako ng tingin at nakitang nakatingin siya sa hindi pa nabubuksang libro sa harap niya. "Which one should I buy?"

Napairap ako. "Hindi ako expert sa mga ganyan."

Hindi na siya sumagot pa kaya bumalik na naman sa isip ko ang nangyari dalawang linggo na ang nakararaan.

Okupado na lahat ni Cy ang buong sulok ng utak ko. After a lot of overthinking, I finally came up with a decision.

Nang makabalik kami sa campus ay agad na dumagundong ang kaba sa dibdib ko nang makitang nakatumpok ang mga estudyante sa harap ng bullet board.

"The result has been posted na!" I heard one of the students said.

Nasagot ang hinala ko at agad na hinila si Ava na nagreklamo pa. As we got closer, my heart began to race with excitement and fear.

Hindi ko mabilang kung ilang dasal na ang tahimik kong binubuka habang papalapit kami.

Nang makalapit kami ay walang hiya akong dumaan sa gitna ng tumpok. Dinig ko pa ang ilang mura at reklamo ng iilan pero hindi 'yon ang iniisip ko sa mga sandaling ito.

I found the Fine Arts department list. Nanginginig pang nilandas ko ang mata sa listahan.

1...2...3...4...5…

6. Aoki, Saach Beatrice L.

Tinakpan ko ang bibig nang nagsimulang maglandasan ang mga luha ko. I felt Ava's little tap on my shoulder which I responded with a smile.

Nakapasa ako! Oh gosh! Graduating na ako sa susunod na pasukan! I can't handle the happiness I feel at the moment.

"You did a great job," she whispered.

Ilang oras din ang ginawa kong pag-iyak na tinawanan ng iba kong mga kaklase. They won't know the feeling! 

"Mas lalo kang nagmukhang gusgusin, Achi," pang-aasar pa ni Zeke. I only rolled my eyes as I wiped another batch of tears coming out. "Mabuti pa at i-BGC natin 'yan!"

I barked a laugh when almost all of our classmates screamed in agreement. Kahit si Ava ay nakangiti rin.

My eyes landed on Eliana looking at me with a wide smile on her face. Agad akong umiwas ng tingin dahil sa sobrang hiya na nararamdaman na napagkamalan ko pa siyang girlfriend ni Cy.

"Achi." A soft voice called.

Namilog ang mga mata ko nang sumalubong sa akin ang mukha ni Eliana. Ang ganda naman nito!

Her heavenly looks perfectly compliments her lovely voice. Her figure is shaped like an hourglass, and her eyes sparkle with beauty.

I looked down. Masyado siyang maganda para matingnan ng katulad ko.

Hues in Diliman (Abstract Series #1)Where stories live. Discover now