Chapter 4

157 27 9
                                    

Akala ko ba may gagawin siyang importante? Did she lie to me? Umiwas na lang ako ng tingin at ibinalik sa bag ko ang mga gamit na nilabas ko kanina.

“Trip!”

I stopped from zipping my bag when I heard a commotion. Nang dumako ang tingin ko sa court, nakaupo na sa sahig ang isang player at tinutulungan siya ng mga kasamahan niya.

“You are so reckless, Trip! Naglalaro ka pero kung saan-saan ka tumitingin,” panenermon ng hula ko ay coach nila.

I totally zipped my bag before watching how the guy stood up and laughed like nothing happened.

“Nakakita lang ng maganda, Coach.” He chuckled and caressed his head.

Mukhang natamaan yata ang ulo ng lalaki ng bola. I can't help but scan my eyes to that Trip's feature. Totally a definition of handsome, hot and hard.

Napailing na lang ako dahil sa mga pinag-iisip ko. I stood up to leave the place.

“We are not joking here, Trip. Kung ayaw mong magseryoso, better leave the team before you affect others.” Umalingawngaw ang malamig na boses ni Cy sa buong court.

Natahimik ang lahat dahil kahit ako ay pinapangilabutan sa boses niya. It was a mixed of fear and danger.

Nagulat ako nang humaklakhak lang ang lalaking tinatawag nilang Trip na para bang sanay na sa ganoong ugali ni Cy. He hooked his arm to Cy's shoulder and messed up his hair.

“The hell!” Cy screamed in annoyance.

Sinukbit ko ang bag ko sa likod at naglakad na papaalis. I took a last glance to where I saw Ava but I found none.

Bumuntong hininga na lang ako. Of course, if she liked Cy and the guy liked her back, hindi ako magagalit.

Gusto ko lang ipaalam niya sa akin dahil magkaibigan kami at gusto ko si Cy. I will also support them. I just need to know when.

Nang makarating sa apartment ay naglinis muna ako dahil naiirita ako sa mga kalat na hindi ko agad nalilinis lalo na kapag may trabaho ako.

Pagkatapos ay agad akong naligo at nag-ayos para makapamalengke na. Dala ang 500 pesos na nasa wallet ko, lumabas na ako ng apartment.

I didn't completely lock my door because Aling Solis immediately showed up with her signature raised eyebrows.

“Magandang gabi po,” bati ko ng may paggalang.

I already know what she was gonna answer and what topic she will open up. Ngumiti na lang ako para hindi siya lalong mas magsuplada pa.

“Ang renta mo, Achi, pinapaalala ko lang.” Binuklat niya ang dala niyang pamaypay at ginamit iyon.

Kumunot ang noo ko. Malamig naman ang gabi kaya hindi ko alam kung bakit kailangan niya pa ng pamaypay.

“Masyado po ba akong hot para magdala kayo ng pamaypay,” pagbibiro ko na sinabayan ko pa ng malakas na tawa para madala siya.

I stopped when she faked a laugh before creating a 'hmp' sound. Ngumiti na lang ako ng hilaw.

“Magbabayad po ako. May ilang araw pa naman po.” I turned my back, hoping to leave her presence immediately.

Mabait akong tao pero minsan ay hindi ko makayanan ang panlalait at kasupladahan ni Aling Solis. Iniwan kasi ng asawa kaya sa kapwa inilalabas lahat ng sama ng loob.

“Bakit? Saan ka pa pupunta?”

I closed my eyes tightly, almost squeezing it. Bakit niya ba ako tinatanong? As far as I know, I am just her tenant and my life doesn't concern her.

Hues in Diliman (Abstract Series #1)Where stories live. Discover now