Chapter 7

141 21 8
                                    

After that last interaction, I did all my best to avoid Cy. Mahirap dahil bawat araw yatang nasa school ako ay nakakasalubong o nakikita ko siya.

"Bwesit naman, oh..." mahina kong mura nang makitang nasa paanan ng pintuan sa library ang lalaki na para bang may hinihintay.

It's the nth time of seeing him today. Ang layo ng department namin pero parang nilamon lang ng lalaki ang distansya dahil palagi ko itong nakikitang nakaaligid sa department namin.

He was stunned when he saw me approaching the door. Ngumiti lang ako ng tipid kahit nilalamon na naman ako ng kaba.

"Excuse me." Yumuko ako nang nasa harap na niya ako.

Nanatili lang ang lalaking nakatayo sa pwesto niya kaya hindi ako makadaan. I politely lifted my head to excuse myself once again.

Pero para akong naubusan ng boses nang sumalubong sa akin ang seryoso niyang titig, nandoon din ang multo ng tipid na ngiti sa labi niya.

Dumungaw ako sa loob ng library at nakitang may ginagawa si Madam Grace. She granted my wish last week to assist her only during recess time.

Agad naman niyang naintindihan ang rason ko kaya ako nandito ngayon pero nilalamon na ang free time ko dahil sa hindi pag-alis ni Cy sa pintuan.

"May gagawin pa po ako," magalang kong sabi.

I thought he would resist but after that, he left without saying a word. Wala akong ibang nagawa kundi panoorin ang likod niyang naglalakad paalis.

I spent weeks avoiding him and every time we cross paths, titigil ang lalaki at titingnan ako ng ilang saglit bago maglalakad papaalis.

Hanggang sa tuluyan na akong nasanay sa mga tingin naming nag-uusap pero hindi nagkakaintindihan.

"You should draw me!"

I rolled my eyes when Trip bugged me like a kid. Sa mga linggo ring nagdaan ay mas napalapit ang loob ko kay Trip.

"Ayaw ko nga." Inilayo ko sa kanya ang lapis at pad ko.

Nasa court kami ngayon nang fine arts department. Sa psych nga sana kami kaso umayaw ako sa takot na baka makita ko naman si Cy doon.

"Eh, wala ka pa namang subject para sa human portrait mo! My details are ready for you, Ach." Muli akong napairap sa tawag niya sa akin.

Mas gusto niyang itanggal ang 'i' sa palayaw ko dahil mas cute raw kapag ganoon. Hinayaan ko na lang kaysa naman magkaroon pa ng mahabang diskusyon.

"Not you, Trip. Ang pangit mo kaya." Namomroblema ako kung sino ang magiging subject ko para sa human portrait na task namin.

Sa susunod na linggo ang pasahan at wala pa rin akong nasisimulan. I want to draw my parents but the only picture I have for them is not so clear so I can't fully see the details.

Medyo malabo na rin ang pigura nila sa isipan ko dahil ilang taon na rin mula ng makita ko sila. My heart aches because of the thought.

Mahal na mahal ko sila at ang ideyang nagiging malabo na ang mga mukha nila sa isipan ko ay nagdudulot ng takot sa akin.

"Girls drool on me. Hinding-hindi ka magsisisi kung ako ang gagawin mong subject. Sige na, Ach! I want to be drawn too."

Ilang linggo na niya akong kinukulit pero dahil sa iisang rason ay hindi ko kayang pumayag.

"My girl classmates would throw me hateful gazes, Trip. Alam mo namang maraming may gusto sa'yo sa department ko. I still want to live."

He laughed, feeling so proud and tall in himself. Bumuntong hininga lang ako at inayos ang mga gamit ko para makaalis na.

Hues in Diliman (Abstract Series #1)Where stories live. Discover now