Chapter 33

158 20 10
                                    

Silence. The sound of the running car. And our breaths playing along with it.

Parang pinagsisihan ko na tuloy na pumayag ako sa paghatid niya. Nasa labas lang ng bintana ang tingin ko, pilit na inaaliw ang sarili sa mga tanawin sa labas.

"Are you hungry?"

Nilingon ko si Cy na ngayon pa lang nagsalita sa ilang oras na byahe. I quickly shook my head.

"The bus stop is about two kilometers away. Let's stop there for a while and get some snacks or any food you want," he insisted despite my answer.

I remained silent. Kahit pa umangal ako, gagawin niya pa rin ang gusto niya.

"May unan sa likod. You can use it."

Bumaling ako sa kanya na sulyap lang ang binigay sa akin. I glanced at the back seat and found a pastel color mini pillow.

"Pastel, huh?" Hindi ko na napigilang punahin. Kahit noong college pa kami ay palaging pastel ang kulay ng mga sinusuot niya.

He arched his brow. "Is there anything wrong with it?"

I bit my lower lip and shook my head. I just find it neat and clean. At isa sa mga rason kung bakit nagkakaroon ako ng happy mood noong college ay dahil sa kulay ng suot niya.

I don't know. There's something in it that can lift my mood in an instant.

"I'm good," saad ko at hindi kinuha ang unan na tinutukoy niya.

I know that pillow will smell like him and it's the least thing I want to happen. Mababaliw lang ako. Mababaliw na naman ulit ako.

Tumigil nga kami sa bus stop na tinutukoy niya. I watched him unbuckled his seatbelt.

"Ako na ang lalabas. You can text me all the things you want," he said in total seriousness.

Natigilan ako. Text? Wala akong number niya. Matagal ko ng tinapon ang old sim ko. Agad naman niya iyong nakuha at inabot sa akin ang phone niya.

I stared at it. It's not the same phone years ago. Pareho kaming nagulat nang biglang bumukas ang screen at nalahad ang larawan kong nasa lock screen niya.

Mabilis niyang tinago ang phone at tumikhim. Lumikot ang mga mata ko, sinusubukang ignorahin ang nakita. Pero patuloy na bumabalik iyon sa isipan ko.

It is a picture of me facing my notes. Tiyak akong sa rooftop iyon. It was taken a long time ago. I can't believe he still have that picture.

"It's preferable if you dictate your number. I'll just scribble it down on my phone," paos ang boses niyang saad.

I cleared my throat. "There's no need for that. Sasama na lang ako."

He looked so defeated with something I don't know. I unbuckled my seatbelt and opened the door before he could.

Tahimik lang kaming naglakad at naghanap ng pwedeng bilhin. I saw the sign and found out we are already in Tuguegarao.

Naagaw ng atensyon ko ang pastel blue key chain na nakasabit sa isa sa mga store. I glanced at Cy and saw him talking to a vendor.

Mabilis kong binili ang nakita kong keychain. Pansin ko ang madalas niyang paglalaro sa susi niya kaya iyon agad ang naisipan kong bilhin.

"As a thanks," mahina ang boses kong pagdedepensa sa sarili.

I heaved a sigh and hid the keychain inside my small purse. Bumaling ang tingin niya sa akin nang makita akong papalapit. Lumawak ang ngiti ng tinderang kanina ay kausap niya.

Hues in Diliman (Abstract Series #1)Where stories live. Discover now