Chapter 13

126 20 12
                                    

"Please, tanggapin mo naman!" I tried to hand him the cash but he kept on shaking his head.

"Your gratitude is enough." Seryosong-seryoso ang lalaki habang nakasandal sa sasakyan niya at nakapamulsa.

"At least for the effort? Or gas?" I grinned.

He sighed. "You can keep it. Plano ko rin namang pumunta ngayon doon."

"May problema ka?" Umusbong ang pag-aalala sa sistema ko. I remembered him saying he only goes there whenever life sucks.

He clicked his tongue. "A very big problem." Tinitigan niya ako nang ilang saglit bago umiwas.

"You can tell me," nakangiti kong saad.

He only smiled a bit before shaking his head. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para sapilitang ilagay sa kamay niya ang pera at patakbong pumasok sa loob ng apartment ko.

We stayed for like an hour on where he taken me and then, went home. Gusto ko siyang bayaran katulad ng pangako ko pero matigas ang lalaki at ayaw tanggapin.

But I wonder what's his problem. Agad akong umiling. Hindi ibig sabihin na nakikipag-usap na ang lalaki sa akin ay dapat na akong makialam sa buhay niya.

I sighed and prepared myself to cook. Wala akong trabaho ngayon kaya makakakain ako ng desente.

I decided to cook adobo. Matagal na rin simula nang makatikim ako ng paborito ko. After I cooked rice and the meal, a knock on my door echoed on the whole apartment.

Wala naman akong inaasahang bisita ngayon. Suot pa rin ang apron ay binuksan ko ang pinto. My jaw dropped when it was Cy who welcomed my eyes.

May puting supot na dala ang lalaki at nakapagbihis na ito. Nakapalit na ito ng hood na jacket at checkered na pajama.

He look stunned when he saw me. Bumaba ang mga mata niya sa suot kong apron. Pumikit siya ng mariin bago umiwas ng tingin.

"U-Uh..." I trailed off. This is the first time he knocked on my apartment's door.

Huminga ako nang malalim, pilit pinapatay ang mga nagkakagulong paru-paro sa loob ng sikmura ko. He looked so fine even he is only wearing pajama and jacket along with his iconic glasses.

Naamoy ko rin mula rito ang halimuyak niya. Damn. Amoy gwapo at hot na nerd.

"I bought fried chicken." Itinaas niya pa ang puting supot para ipakita iyon sa akin. "From the money you gave."

Mas lalong umawang ang labi ko. "That's good." Ngumiti ako.

Hinawakan ng lalaki ang likod ng leeg niya tila ba nahihiya pa. "I want to share it with you."

Kung mas may ikakaawang lang ang labi ko ay kanina ko pa ito pinupulot sa sahig. Am I not dreaming? Everything just feels so surreal to be true.

"T-Talaga?" I laughed the nervousness off. He nodded, looking sideways.

"If only you want to," he said, still not looking at me.

Agad na nanlaki ang mga mata ko. "Oo naman! Pasok ka."

"You mean there?" He pointed inside, looking so stunned. Pula rin ang mukha ng lalaki. Nakainom ba ito?

Tumango ako at agad na pumasok sa loob, iniwang bukas ang pinto para hindi mahiya ang lalaki sa pagpasok.

I roamed my eyes around and felt relieved when I saw how clean it is. Mabuti at naglinis ako kahapon kaya hindi nakakahiya sa lalaki.

My soul would likely leave my body when I heard his muffled footsteps going inside. Huminga ako nang malalim at malaki ang ngiti siyang hinarap.

Hues in Diliman (Abstract Series #1)Where stories live. Discover now