Chapter 16

124 24 16
                                    

"Galing naman," puna ni Lola sa gawa kong empanada.

We decided to do this delicacy out of boredom. Kami lang din naman ang kakain kaya kaunting ingredients lang ang nagamit namin.

"Mas maganda naman 'yong iyo, eh!" pagmamaktol ko na sinuklian niya lang ng hagikhik.

I cannot help but smile. Hindi na kumpleto ang ngipin ni Lola pero ang ngiti niya ang pinakamagandang bagay na nakita ko.

"Ganda," I truthfully said.

Her eyes widened. Hinampas niya ang balikat ko, may naiwan pang harina sa manggas. "Huwag mo nga akong binobola!"

Napatili siya sa inis nang gumanti ako at hinampas siya kaya napuno rin ng harina ang manggas at balikat niya.

"Kakaligo ko lang, Beatrice! Napakapilya mo talaga!" she snapped.

Tumawa lang ako at niyakap siya bago kami nagpatuloy sa paggawa ng empanada. Pumasok sa kusina ang inaantok pang si Fern, kinukusot ang sariling mga mata.

"Kakagising mo lang?" malambing kong tanong sa bata. Tumalon ang puso ko sa saya nang tumango siya. At first, he was a very sly and quiet child but as months passed, he learned to respond to me.

"Manghilamos ka roon, Fern. Tulungan mo kami rito." Nakatingin si Lola sa bata na may kakaunting ngiti pa sa labi.

Pagkatapos magtoothbrush at maghilamos, tumungtong si Fern sa upuan at umupo sa mesa. Napangiti ako dahil mukhang alam niya ang gagawin.

He's very matured sa edad niya. At nakakalungkot lang dahil kailangan niyang mag-grow agad dahil sa walang humpay na away ng mga magulang niya.

He needs to be there for himself. Like me.

Nagawi ang tingin ko sa sala at nakitang nag-uusap si Tito Hermando at Tito Gardo. I thought it was just the usual and normal conversation not until I saw them exchanging something.

Binigyan ng pera ni Tito Gardo ang asawa ni Tita Vivian at ang kapalit nito ay maliit na paketeng naglalaman ng puting pulbora.

Literal na namilog ang mga mata ko. Hindi ako ignorante para hindi malaman kung ano 'yon.

Nagda-drugs si Tito Gardo? I closed my eyes tightly. I don't want to believe it! Siya ang pinakapaborito kong anak ni Mama.

Dumako ang tingin ko kay Fern at mas lalo akong nagulat na walang emosyon lang ang mukha niyang nakatitig sa dalawa. Nakita niya rin ito!

Pero ang nakapagpausbong ng takot sa akin ay ang mukha niyang parang sanay ng makakita ng ganoon.

I glanced at Lola and she is already looking at Fern. Namamasa ang mga mata niya nang mapunta ito kay Tito Herman at Tito Gardo.

Alam nila. They knew all along and they did nothing!

"Fern," tawag ni Lola sa bata nang hindi pa rin umaalis ang tingin nito sa ama at tiyuhin.

Nilingon siya ni Fern at nang makita ang mga mata ni Lola ay bumalik siya sa paghuhulma ng empanada.

Naging malikot ang mga mata ni Lola nang mahuli niya akong nakatitig sa kanya.

"Pwed-" She cutted my words off.

"Bilisan mo d'yan, Beatrice. Nagugutom na 'tong si Fern," agad na pag-iwas ni Lola.

I bit my lower lip as I bowed my head. Hindi na mapirmi ang mga kamay ko dahil sa sobrang panginginig nito.

Hanggang sa paglalakad ko pauwi ay iyon ang laman ng isip ko. It scares me how they normalized it. Mas nakapagpagulat pa sa akin na ganoon si Tito Gardo.

Hues in Diliman (Abstract Series #1)Where stories live. Discover now