Chapter 38

799 22 0
                                    

***

Kc

Pagkatapos malaman ni Allen na ako ang eye donor niya hindi ko na ito nakikita pa. Noong araw na 'yon akala ko kukomprontahin niya ako. Ngunit walang may naganap na komprontasyon. Tahimik lang ito hanggang sa maihatid ako sa aking condo. Nagpaalam ito na mabubusy at may aasikasuhin. Hinayaan ko na lang din ito. Siguro para makapag-isip siya ng mabuti.

Akala ko tama ang naging desisyon kung hayaan na lang siya. It's been three months already after that happened. Months had passed ngunit walang Allen na nagpaparamdam. Gusto kong puntahan ang kaniyang clinic para itanong sa secretary niya kung nasaan ito. Nahiya naman ako baka sabihin ako ang girlfriend pero hindi ko alam. Mas nakakahiya. Kaya wala akong nagawa kong hindi hintayin ang mga araw na darating at magpapakita na siya.

Araw araw ko naman na dinadalaw si CL sa ICU. Hindi pa rin ito nagigising. Nakikita ko si Luca at tahimik na nakatingin at nakabantay sa kaniyang asawa. Umaasa pa rin ako na magigising ito. I know she's tough and a fighter.

Nagpatuloy ako sa aking buhay. Naging busy din ako sa akong residency. Hindi ko pinansin ang mga sinasabi ng mga taong gustong mang-usisa sa buhay ko. Nagpatuloy ako kahit nakakaramdam na naman ako ng sakit. Sakit na dulot ng taong mahal ko. Itinaga ko na sa aking sarili na hindi ako dapat magpaapekto. Kailangan kong magpatuloy sa aking buhay, mawala man si Allen sa ikalawang pagkakataon. Hindi ko pwedeng pabayaan ang aking sarili. I don't want my Elise to be disappointed over me. I have to go on with my life. Kahit gaano pa kasakit.

May mga oras na umiiyak akong mag-isa. Pag nagtatanong sina mommy kung okay lang ako, tumatango ako at sinasabayan ko ng ngiti kaya hindi na sila nagdududa. Kahit ang totoo hindi ako okay. Hindi ko na nga alam minsan saan ako kumukuha ng lakas ng loob para bumangon araw araw. Mas masakit kasi ngayon. Kung dati alam ko ang rason kung bakit hindi kami magkasama. Ngayon naman para akong nabitin sa ere. Hindi ko alam ang rason bakit hindi ko siya kasama.

Naging emosyonal ako masyado nitong nakaraang buwan. Irritable rin ako. May mga nurses ako na napapagalitan agad pag may konting mali lang sa ipinagagawa ko. Kaya tuloy naririnig ko ang usap usapan nila na malaki na raw talaga ang aking pinagbago.

Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Tamad na tamad akong bumangon at pumasok minsan. Kaya ng malaman ito ni mommy Meriam halos sa condo ko na siya tumira para ipagluto ako tuwing umaga at gabi. Halos ginawa niya akong parang bata. Pag umaayaw ako nagtatampo ito. Gusto lang daw niyang bumawi sa lahat ng panahon na hindi kami magkasama.

"Cassie, anak bangon na. Malalate kana sa work mo." Gising sa akin ni mommy Meriam. Tamad na tamad akong pumasok.

Sakto naman naamoy ko ang kaniyang niluluto. Bigla namang bumaliktad ang aking sikmura at napatakbo ako sa loob ng banyo. Suka ako ng suka ngunit walang nalabas. Bigla akong natigilan. Halos three months na akong hindi dinadatnan. Akala ko due to stress ko lang. Ganyan kasi ako minsan pag stress.

"Anak, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni mommy sa akin. Dinaluhan niya ako kasi hindi ako makatayo. Bigla kasi akong nanghina.

"I'm okay, mom. Masama lang ang pakiramdam ko," mahinang sabi ko sa kaniya. Ayaw ko itong mag-alalang masyado.

"No, you are not okay anak. Huwag ka munang pumasok. Ipacheck up kita." Natigilan ako sa sinabi niya. Malalaman niya na buntis ako. I know, sigurado akong buntis ako. Ganito ako noong magbuntis ako kay Elise. Napahawak ako sa aking impis na tiyan. Hindi ko mapigilang mapangiti. Another angel is here and soon will come out.

A Lust To LoveWhere stories live. Discover now