Chapter 13🔥

1K 33 1
                                    

***

Kc

Muntik ng mamatay yong pasyente na naglalabor dahil bigla itong nag arrest kaya pala ako pina page asap. Tinatawagan daw nila ako pero walang sumasagot sa aking telepono. Nagkakagulo na pala sila dito.

Mabuti na nga lang at mga matinik na nurses ang mga naka duty at mga kasundo ko pa. Kaya walang naging problema. Nauna silang gumawa ng paraan para maging maayos ang pasyente bago pa ako makarating.

Hindi ko maiwasang mahiya pag naalala ko ang nangyari sa amin ni Doc Allen sa elevator. Doctor pa naman kaming pareho. Paano kong makita sa CCTV. Hindi naman siguro, sa kaniya naman ang hospital na'to. I'm sure gagawa ito ng paraan para burahin.

Siguro kong namatay yong pasyente kanina hindi kakayanin ng konsensya ko. Habang nag aagaw buhay ang isa sa aking mga pasyente, ako naman ay nasa loob ng elevator at sarap na sarap sa ginagawa sa akin ni Dr. Allen.

Buti na lang na-revived ko pa ito. Hindi ko alam saan ako kumuha ng lakas habang ginagawa ko ang chest compression para lang bumalik ang tibok ng puso ng pasyente kong naghihingalo. Maybe my free will gave me the courage na pag igihan ko na marevive ito dahil hindi ko kakayanin na may mamatay ng ganoon lang. I will feel guilty for sure.

Sobrang busy ko na pati pagkain nakalimutan ko na. Nabuhay ang pasyente at ang anak nito lumabas via Emergency Caesarian Section. Hindi na ako pinag assist ni Dr. Cruz dahil napagod na ako dito. Tinapos ko na kang ang mga dapat tapusin. I heard a job well done from her. Buti na lang mababait at mga kasundo ko ang nurses sa Delivery Room kaya kahit na late ako ng punta after nila akong ipapage wala silang sinabi. Nakuha agad nila. May isa pang bumulong sa akin si Shiela.

"Doc, may namumula sa leeg mo." she teased me. Sobrang hiya ko naman at bigla ko itong natakpan. Shocks! Doc Allen! Pulang pula ang mukha ko na inabutan nito ng concealer para daw matakpan.

Nakita ko ang teamwork namin. I felt proud of them. I'm happy I belonged here. First time may mag arrest sa shift ko simula ng pumasok ako bilang resident dito sa MNH kaya naman thankful ako at nalampasan ko ang parte na ito ng pagiging isang doctor. Thankful ako na sila ang mga kasama ko. I owe them this one.

Hinang hina ako after my duty. Halos hindi ako makahakbang. Aside sa duty, hindi pa rin ako maka get over sa sinabi ni Dr. Allen kanina na siya si Golem. Nalito at the same time maraming katanungan ang nasa utak ko.

Nagbeep ang aking phone. A message from Golem.

Hottie Hon:
Are you done baby? Proceed to 11th floor of building 2. I'll wait for you.

Hindi na ako nagreply. Nakalutang ang aking utak habang nakatingin sa screen ng aking phone. Siya at si Golem talaga ay iisa? Paano? Kaya pala familiar ang boses niya pati ang mga titig nito. Iisa lang pala sila.

Hindi ko alam kung susundin ko ito. Nakatayo ako at naestatuwa. Para akong wala sa sarili. Naghalo halo na ang sobrang pagod at pagkatuliro.

"Doc okay lang po kayo?" Nag aalalang tanong ng isang staff nurse. Tumango lang ako rito.

Humakbang ako palabas ng delivery room at sumakay sa elevator. Namalayan ko na lang pinindot ko na ang 11th floor. Wala palang 11th floor kundi letter P. Meaning penthouse. Ang alam ko nasa hospital lang nakatira si Dr. Allen so malamang penthouse niya ang nasa 11th floor. Isang floor na lang naman at sunod na ito. Galing ako ng delivery room na nasa 10th floor katabi ng OR.

I heard the elevator rang a deng sound. Ito ang nagpabalik sa kasalukuyang pag iisip ko. Nakarating na pala ako.

Pagkalabas ko ng elevator Isang magarang mini lobby agad ang tumambad sa aking paningin. Halatang mayaman ang nakatira. Hindi nan bago sa akin. Kasi ganito naman ang mga gamit sa bahay. May pagka high tevh lang ang isang 'to.

A Lust To LoveWhere stories live. Discover now