Chapter 04

930 26 1
                                    

Allen

After making my rounds early this morning I received a call from my Eliza that Tito Morgan was admitted last night.

Nagtaka naman ako kasi wala naman sinabi si Aj sa akin. Pinuntahan ko na lang ito sa second floor VIP suite room ang inuukopa nito na kwarto.

"Good morning Doctor!"

Bati ng mga nurses and some staff ng hospital na nakakasalubong ko. Tango lang ang tanging tugon ko sa mga ito. Hindi kasi ako nangiti ng basta basta.

May narinig pa akong mga ngbubulungan ng mapadaan ako sa isang station bago makarating sa VIP ward.

Pati ang dalawang nurse na nasa unahan ko naglalakad dinig ko ang pinag uusapan nila.

"Ang gaganda naman ng mga bagong resident. Sana matalino din, hindi lang maganda." narinig kong sabi ng isa.

"Matalino daw yong dalawa. Yong isa sa Neuro Dept matalino daw. Astig pa! Pero mas bet ko yong taga OB-Gyne, top daw yon sa board. Parang barbie doll ang ganda."

Napaisip naman ako. Maybe it was the  dolly I saw yesterday and early this morning. Ito lang naman ang pumasok sa isip ko na parang barbie doll ang beauty. Nice, makikita ko pala ito everyday.

Nakarating ako sa suite ni Tito Morgan. I knocked twice before I hold the knob and open the door. Kala ko walang tao, nakita ko naman ang mga kumag sa loob. Wala pa si Aj.

"Finally dito na si Doc!" It was Zeus again. "Kanina pa kami dito umagang umaga. Tumawag kami sa secretary mo."

"Yah, Eliza told me. Pero hindi ko alam na sinugod si Tito last night. They should have called me. Is Tito Morgan okay? " nag aalala kong tanong sa kanila.

"He's okay. For monitoring lang daw. But he needs an IV access, I tried twice pero medyo hindi ko carry ang vein nito. Maybe you should try." sabi ni Luca sa akin.

Pinuntahan ko si Tito, pero naka idlip ito. Tiningnan ko na lang ang mga veins nito if saan pwede matusokan I wanted to try but I'm not good in hitting a good vein.

Bigla naman pumasok sa isip ko si Bella. I will call the OR. Baka naka duty ito.

"Hello, OR department. Noemi speaking." sabi sa kabilang linya.

"Yes, hello this is Dr. Allen. Is Bella on duty?" tanong ko dito.

"Ay Doc hindi po, naka off po siya today."

Napabuntong hininga ako. Fuck! Wrong timing.

"Okay, thanks Noemi." Ibinaba ko agad ang tawag.

Pumasok naman ang Cardiologist ni Tito kasama ang resident nito. They tried inserting IV line pero wala pa rin.

Dumating na rin si Aj galing sa kompanya nito.

"Oh bro! Dito kana pala. Hindi kana namin inistorbo last night baka kasi pagod ka. Okay naman si Daddy. Hindi naman emergency ang case niya." paliwanag nito sa akin.

"Got it bro, next time call me kahit ano pa yan okay?" paalala ko dito.

Maya't maya pumasok yong senior resident Doctor at kasama si Bella.

"Good afternoon Doc," bati nito sa akin at ngumiti. Nginitian ko naman ito.

"Thank god you're here Bella. Tumawag ako sa OR. We need your help." sabi ko dito.

"Naghatid kasi ako ng order ni Dra. Levine then humingi siya ng tulong kaya dito na po ako." paliwanag nito at tinanguan ko.

Naging successful naman ang IV insertion na ginawa ni Bella. Magaling talaga ito. Napuno ng tawanan at tuksuhan sa buong kwarto. Napaghahalataan na mayroon talagang namamagitan kay Bella and Aj. Sa mga tinginan nilang dalawa.

A Lust To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon