Chapter 15

1K 25 1
                                    

***

Allen

We spent another day in Vegas dahil magshopping daw kami. I don't have time for it but itong mga kumag kasi ang kukulit kaya napasama ako. Pinagtitinginann kami ng mga tao. Para kasing mga bata ang mga kasama ko.

Maybe some were wodering who we are lalo na at nakashorts lang kami lahat at naka slip on sandals. Parang nasa bahay lang. Wala pang mga pakialam. Tapos  iba iba pa ang lahi namin, what I mean is bawat isa sa amin kalahating pinoy, kalahating banyaga like ~ Filipino- Chinese, Korean- Filipino, Arab-Filipino, American- Filipino, Italian-Filipino, Bristish- Filipino.

Habang busy lahat kakatingin sa bawat shops at pumapasok pag may  nagustuhan. Ako naman napako sa isang lingerie shop. Naisip kong pasalubungan si Cassie. She loves lingerie. Hihiwalay nga muna ako sa kanila.

Nakita ko si Luca nakatingin din sa tinitingnan ko. " Hiwalay muna ako saglit." Paalam ko sa mga ito.

"Where are you going? Dapat samasama lang tayo," sabi ni Zeus. Parang bata lang, takot maiwan.

"There, baka ayaw niyong pumasok. I will buy some pasalubong." Naka nguso kong itinuro sa kanila.

Lahat sila napatingin sa akin ng may pagtataka. Natawa ako sa bawat expression ng mukha nila. Naiiling na lang si Luca.

"Seriously Dr. Allen Aaron Smith?" Liam asked.

"Yah, why? Bibili ako ng pasalubong may masama ba?"

"No, I mean it's a lingerie store!" he shouted.

"Exactly, My girl is addicted  to lingeries," sabi ko.

"Woooooh! Iba, iba talaga ang nagagawa ng pag ibig. Ang allergic sa shopping papasok sa isang lingerie store." Pumapalakpak pang sabi ni Kai.

"I will buy too. Tara sa loob." Inakay ako ni Luca. Hindi na niya hinayaan makapagsalita ang iba. Nagpaakay naman ako rito.

Nagsunuran naman ang mga kumag. Lahat kami ngayon nasa loob na ng lingerie store. Nagtingin tingin ako hanggang sa napako ang mata ko sa section ng mga lace fabric na lingeries.

"Hi sir, how may I help you?" It was the sales lady.

"Hi, I want several sets for this kind of fabric. Also if you have some lacey robes." I asked her.

Tumalima naman ito at kinuha mga orders ko. I bought several sets of lace fabric  lingeries. Nasa twenty sets ata. Including several robes and panties. Asan na kaya ang mga kumag.

I saw Luca paying at the Cashier. He bought several sets. Also Atreus. Napabili rin ang isang 'to. Ang nagulat kami si Kai. May kinuha rin ito.

"Ang dami ah, parang buong store ata plano mong bilhin," sabi ni Liam.

"Oy Kai, sino bibigyan mo niyan?" tanong ni Liam dito.

"May reregaluhan lang ako. Bawal ba? Ba't ako tinatanong mo? Mga yan oh ang daming binili. Si Allen kulang na lang buong store bilhin." defensive nitong sagot.

"Alam na niya?" pabulong na tanong ni Luca sa akin. Umiling ako dito.

"Hindi pa, pag uwi ko I plan to tell her. Hindi pa ako nirereplyan hanggang ngayon," sagot ko rito.

"Magbestfriend nga ang pagbibigyan natin. They are obsessed with this thin fabric, pupunitin din naman." Iiling iling nitong sabi.

Nakapila kaming apat. Si Aj natatawa sa amin. Kung sino pa ang may asawa siya pa ang nakatingin lang. Siguro kong si Bella ang pinakasalan nito nakapila na ito kanina pa and maybe wala rin kami rito. Baka nagsasaya pa kami after the reception at si Aj nasa honeymoon ito for sure.

A Lust To LoveWhere stories live. Discover now