Chapter 37

829 22 3
                                    

***

Kc

Mabuhay!

Welcome to Ninoy International Airport...

Hindi ko maiwasan ang langhapin ang simoy ng hangin sa NAIA. Amoy Pinas na nga, iba ang amoy, alam mo na. Kahit ganito pa man namiss ko ang bayang aking sinilangan.

No matter where we are. Nothing compares the feeling of being home. Philippines is my truly home. It's been six years since I left for California, USA. Alam ko marami akong nakaligtaan dito sa bansang ito.

"Let's go?" narinig kung sabi sa akin ni Allen. Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming pumasok sa terminal papuntang immigration.

"You miss this country a lot huh? Kulang na lang higupin mo ang nakapaligid sayo," pabiro nitong sabi at tumawa. Hinampas ko ito sa braso.

"Kainis ka, kaw kaya mawala ng six years. Natural lang noh," sabi ko at sabay irap. Bumitiw ako sa pagkakahawak niya at inunahan ko ito. Tumatawa naman niya akong hinabol.

"Hey, I'm just teasing you. Baby come on!" sigaw nito.

Hindi ko ito nilingon at nagpatuloy lang.
Hanggang sa makarating ako sa immigration. Mahaba ang pila at ayokong pumila. Naabutan naman niya ako at hinapit sa aking beywang papunta sa kaniya.

"Huwag ka ngang uuna-una. Tuloy hindi mo alam ang gagawin. You sit there, ako na ang bahala. I have a friend here," bulong niya sa akin. Hinalikan niya ako at pinaupo sa malapit na upuan.

Tama ito at hindi siya nagtagal at nakalabas na kami ng terminal. Biglang may pumarada sa harap namin na black SUV, isang mercedes benz.

"Helooo lovebirds! Hope in!" sigaw ng driver. His voice is familiar. Pagpasok namin sa loob nakita ko mukha niya. It was Kai. Ang kaibigan ni Allen na may lahing Chinese.

"Hi, how are you?" bati ko sa kaniya.

"Hi Doc! Mas lalo kang gumanda ah. Sayang ngayon ka lang. Madaming okasyon ang namiss mo. Sige lang gagawa ulit tawo ng maraming pagtitipon," natatawang sabi nito.

"Shut up asshole! Just drive. We are tired already," utos ni Allen dito. Mahina ko naman itong tinapik sa balikat. Mainit na naman ang ulo. Nakita pala ni Kai ang ginawa ko.

"Hayaan mo na Doc, sanay na kami sa isang yan. Parati yang mag regla. haha! Sa'yo lang yan nag-iibang anyo. Mapagbalat kayo 'yan." Tawa ito ng tawa. Nag-iba naman ang timpla ng mukha ni Allen. Tiningnan niya ng matalim si Kai. Tumigil naman ang isa at napailing na lang.

Nakarating kami sa bahay ni Allen sa Antipolo. Sa Executive Village. Namiss ko itong bahay niya. Marami rin kaming ala-ala rito. Hindi ko maiwasang maalala ang aking anak. Kung kasama namin siya ngayon, mas masaya sana. Napaluha ako, namimiss ko na siya. Naramdaman ko ang mga brasong yumakap sa aking likuran. I know it's him. Masaya na sana ngunit nagkaroon ng kulang.

"You okay? You miss her..." mahinang bulong nito at napabuntong hininga.

Tahimik kaming pareho saglit. Naging parehas ata ang aming iniisip. Hindi ko maiwasan. Alam ko walang dapat sisihin sa nangyari. Aksidente ang lahat at hindi diyos sina Allen at kuya Erric. They did their best.

A Lust To LoveWhere stories live. Discover now