Chapter 24

670 20 2
                                    

***

Kc


Balik na naman kami ni Allen sa dati walang kibuan. Magkasama kami sa bahay pero casual lang. Hanggang halikan lang ang nangyari sa may hardin. May dumating kasi na isa sa mga kasambahay at pinatawag si Allen nina mommy.

Allen stays in the house same as me. Pero nauuna itong pumasok sa hospital. Minsan nasasaktan ako sa nangyayari pero ewan ko parang namanhid na ako. Hindi ko alam kung kailan ako huling ngumiti ng totoo. Kahit sa hospital nag iba ako.

Tulad na lang ngayong umaga. Nang mag rounds ako sa ward. Dati rati nakiki join ako sa mga nurses. Kwentuhan at tawanan. Pero ngayon masyado na akong naging aloof.

"Oy, alam niyo ba? May bagong doctor ang MNH. Fellow palang daw. Pero pogi, may bago na naman kababaliwan ang MNH." Marinig kung sabi ng isang nurse na duty. Sino kaya. Pati ako ma curious.

Tinapos ko ang gawain sa ward para makapag lunch na. Mag-isa akong kakain ngayon. Wala kasi si mama Ellaine. May conference daw siya. Noong mga buwan na nagdaan parati kasi kaming sabay pag morning duty ako.

Habang nasa isang mesa ako sa cafeteria mag isa at tahimik na nakain. I heard someone cleared his throat.

"Hi, can I take this vacant space  infront?" Nag-angat ako ng tingin and I see two bluish grey orbs. As if I was staring at my my own eyes. Sandali akong natigilan. Nagbawi lang ako ng tingin ng iwinagayway niya ang kaniyang kamay sa harapan ko.

"You may take it," sabi ko rito at nagpatuloy akong kumain para matapos na ako at makaalis. Hindi ko na ulit siya pinansin. Wala akong planong makipag-usap.

"How long have you been working here?" narinig kung tanong niya. Kinakausap niya naman pala ako.

"Almost two years," tipid kung sagot.

"By the way. I'm James Caleb Nicholls. A fellow in this hospital. Nice meeting you Dra. Montero." Pagpapakilala nito.

Inilahad pa niya ang kaniyang kamay. Tiningnan ko lang ito. Dahan dahan naman niyang ibinaba at tipid ako na nginitian.

Hindi na ako umimik. Pinagpatuloy ko ang aking pagkain hanggang sa matapos ako at bumalik sa aking trabaho.

***

Time flew so fast. Sa bahay na ako nina mama nakatira most of the time at during weekend ako nabisita kina mommy naman pag hindi ako duty.

Allen stays in the house sometimes. But most of the time sa condo raw. Hindi ko alam saan. Gusto ko ngang magtanong pero nahihiya ako. Marami akong gustong itanong sa kaniya. Kung bakit niya pinalitan ang passcode at kung bakit hindi na siya nauwi doon.

Ngayon nadatnan ko siya rito sa bahay. Nasa may kusina at nagluluto. Wala sina mama. Out of the country. Nakabakasyon  din ang ibang kasambahay habang wala sina mama. He is cooking beefsteak. My favorite. Kumalam tuloy ang aking sikmura.

Nagpunta ako sa may ref at kumuha ng tubig na maiinum. Pagkatapos ko lang uminim akmang aalis na ako ng marinig ko itong magsalita.

"Sit Cassie... and eat," utos nito.

Ako naman ay masunurin. Dali dali akong umupo. Nilagay na niya sa mesa ang kaniyang niluto. Pati kanin  at juice kasama na. Pinagmamasdan ko lang ang bawat galaw nito. Hindi ako nagsalita at umimik.

A Lust To LoveWhere stories live. Discover now