Chapter 12 (ESPIGI)🔥

1K 36 4
                                    

            ⚠️Slight ESPIGI ahead⚠️

Hindi natuloy ang pagkikita namin ni kuya sa nakatakdang araw. Nagkaroon ng emergency sa ibang branch ng company at kailngan nitong lumuwas ng ibang bansa.

"Good morning Doktora!"

Ang maligayang bati sa akin araw araw ng maternity ward sa Mercy National Hospital kung saan ako nagtatrabaho bilang isang Resident Doctor. 

"Good morning girls," bati ko naman sa kanila.

Biglang may lumapit sa akin at nagtanong.

"Doc diba may pinag uusapan kayo noon na dating app ni Dra. Riva? Ano nga po nga ulit yon?" It was Cathy isang senior nurse sa ward.

Hindi ko alam kung sasagutin ko siya kasi nakatingin ang ibang staff sa amin.

"Mamaya, mag rounds lang ako." sabi ko sa kan'ya sabay kindat.

"Yon oh! Ang pilya ni Doc." tukso ng sa akin ng isang nursing aid, nakalimutan ko ang name niya.

"Sige Doc ha, rounds ka muna Doc iprepare ko na mga charts mo." sabi niya.

Nagsimula na akong mag rounds isa isa sa mga patients. Hindi naman kasi lahat patients ko. Pag umaga may mga naka assign lang sa amin na mga patients per consultant. Minsan isa or dalawang consultant ang hawak ko at lahat ng pasyente niya. Pag umaga yan. Pero pag night shift kung sino ang nakaduty na resident siya ang hahawak lahat ng patient.

Kinumusta ko lang naman ang mga patients ko isa isa at tinanong kung ano mga kalagayan nila at kung may naging reklamo mula kagabi.

After ng aking rounds bumalik na ako sa station. Habang paliko na ako sa may kanto. May paparating naman na mga Doctors, sa pangunguna ni Dr. Allen and Dr. Luca. Hindi ko alam kung sasalubungin ko sila. Hanggang sa napahinto na lang ako at nagkunwaring may binabasa sa notes ko na dala.

Parati talaga silang magkasama na dalawa. Yon ang napapansin ko. Sabi nila magkaibigan daw ang dalawang yan. Matalik na magkaibigan at may chismis pa ang mga nurses. Nagshare daw yan ng girlfriend dati.

Grabe naman. Buti pumayag yong girl. Sabagay sa gwapo ba naman ng dalawa  nilang dalawa, papayag talaga ang babae. Swerte naman niya. Nag threesome kaya sila? Ano kaya feeling no'n? Bakit ba yan ang iniisip ko.

" A penny for your thoughts Dra. Montero. Ang aga pa kung saan saan na nakakarating yang pag iisip mo." he said and smirked.

Fuck! That was Dr. Allen, obvious ba ako? Napapikit na lang ako at napakagat ng aking labi. At di ko namalayan nag nail biting na din ako.

"Damn!"

Nagulat naman ako sa mura na narinig ko. It was Doc Allen again and he's staring at me now.

" Good morning Dra. Montero. Stop biting your lips and nails. That's not a good way to greet me a nice morning." bulong niya sa akin at pagkatapos umalis na.

"Good morning Doc!" nasabi ko na lang. Hindi ko alam kong narinig niya. Haist buhay oh. Kung anu anu kasi nasa isip ko.

Bumalik ako sa nurse station na gusot ang mukha.

" Doc! Ang ganda mo talaga kahit gusot ang mukha mo. Kahit siguro hindi ka maligo Doc ng isang buwan maganda ka pa rin. Para kayong mga barbie doll ni Dra. Riva. Kaya pag kayo napapadaan. Nako nagwawala ang mga boys dito sa hospital. Napapa sipol na lang." pagkekwento no'ng nursing aid na di ko talaga matandaan ang name niya.

" Nako ma'am naman binobola niyo ako. Ano nga po pala ulit pangalan niyo?" tanong ko sa kan'ya.

"Grabe si Doc oh. Mag one year na siya dito sa ward na'to di pa rin alam ang pangalan ko. Tatampo na ako n'yan Doc ha." sabi niya at naging malungkot ang mukha.

A Lust To LoveWhere stories live. Discover now