Chapter 19

752 18 0
                                    

Kc

After that incident, walang maganda na naidulot sa akin at hindi na ako nakapagtrabaho ng maayos. Good thing walang masyadong cases sa delivery room and behave lahat ng patient.

My mind was clouded with so many questions and doubts. Ayaw kung isipin kaso pilit siyang pumapasok sa isipan ko.
My  mind is telling me to listen to Allen's explanation first. Mahirap kasi paniwalaan ko lang bigla ang aking mga naririnig.

Hindi ako pumunta sa penthouse ni Allen after my duty. Instead I went straight to my condo without even eating dinner. Wala kasi akong ganang kumain. Ganito pala ang feeling pag may nalalaman ka na hindi kanais-nais tungkol sa taong mahal mo. Kahit alam mong pwedeng walang katotohanan.

I lie awake in my bed staring at the ceiling. I don't know for how long I've been doing that ng maramdaman kung nag vibrate ang aking phone. Naka silent kasi ito.

"Hello..." matamlay kung sagot. Hindi ko man lang tiningnan ang caller.

"Baby... where are you?" tanong nito. I bit my lips. Ayaw ko sanang magsalita. Ayoko ko kasi siyang makita baka awayin ko lang ito.

"Home..." tipid kung sagot.

"What's wrong? Do we have a problem? Punta ako ngayon. Open the door for me, okay?," utos nito. Binabaan ko ito ng tawag.

Pumunta ako sa may pintuan at binuksan ang lock. Ayoko ng tumayo mamaya pag nakarating na siya.

Bumalik ako sa pagkakahiga ko at pumikit. Mga ilang minuto ang lumipas ng maramdaman kung bahagyang lumubog ang kama. I smelled a familiar scent. His scent. I know he's beside me and staring at me. Ramdam ko ang mga titig niyang malalim. Tumatagos sa kaibuturan ko.

Nakiramdam lang ako. Takot akong magmulat ng mata at magkasalubong ang tingin namin. Baka mawala lahat ang pagtatampo ko rito.

"Baby... I know you're awake."

Palpak pala ang aking pagpapanggap na tulog. Nagmulat ako ng aking mata. Tama ako, mga asul nyang mata ang una kung nakita. Bigla nalang akong nalungkot at bumalik yung kakaibang pakiramdam na naramdaman ko kanina.

"What's wrong? Are you mad at me? Why?" tanong nito na puno ng pagtataka ang mukha. Ang mga mata nito na tila naguguluhan.

"No, I'm just tired..." tangge ko rito. Biglang umurong ang dila ko. Antayin ko na lang mismo na siya ang magsabi sa akin. Baka mag away pa kami kung bigla ko siyang tatanungin.

Bumangon ako para maglinis ng katawan at para matulog na. Sinusundan lang nito ng tingin ang bawat galaw ko hanggang sa natapos ako at nahiga ulit sa kama.

Tinitingnan ko rin ito paminsan minsan. Hanggang sa biglang tumunog ang aking  tiyan. Tanda na nagugutom na ako. Arggh! Malalaman tuloy nito na hindi pa ako nagdinner.

"You didn't eat dinner right?" tanong nito. Tumango naman ako. Kinuha nito ang phone sa bulsa at may tinawagan. Nag order ito ng pagkain.

"Baby, what wrong?"

Hinawakan niya ako sa kamay at kinandong ako nito bigla.

"You're so cold towards me. You even skipped your dinner. Tell me please," malumay nitong sabi na may halong lungkot.

"No, I'm not. Pagod lang talaga ako hon," sabi ko rito. Nginitian ko na ito at niyakap.

Maya maya dumating ang pagkain na inorder niya. Sabay na kami kumain. Kunti lang kinain  nito, kumain na daw siya kanina. Hindi ko na ito tinanong pa kung saan ito kumain or nagpunta. Kung gusto niyang malaman ko, kusa itong magkikwento.

A Lust To LoveWhere stories live. Discover now