Chapter 23

686 17 0
                                    

Kc

"I wan't to see Allen, please..." pagmamakaawa ko rito.

"Okay, ayusin mo ang sarili mo. Tatawagan ko siya para dalawin ka. Dito lang sa bahay pwede.

Tumango ako rito bilang tugon. Dali dali akong naligo na parang wala sa sarili. After kong maligo at magpalit ng damit. Naupo ulit ako sa kama.

Maya maya may kumatok. Si nanay Lilian. May dala itong pagkain.

"Anak, kumain kana ha. Samahan kita," marahan nitong sabi. Masuyo niya akong tiningnan at hinimas niya ang aking buhok. Napaluha na naman ako.

"Alam ko masakit na masakit. Iiyak mo lang hanggang sa mawala na ang sakit. Hanggang sa maubos na ang luha mo. Sa tamang panahon, maghihilom din ang sugat at mapapalitan ng bagong pagmamahal.

"Nasasaktan din kami para sayo. Ngayon ka lang namin nakita na umiyak. Alam ko hindi ka sanay kasi hindi ka naman nasaktan noong una. Kaya nag-aalala kami sayo. Kung nasasaktan ka sabihan mo kami ha. Tutulungan ka namin kahit sa konting paraan lang namin anak, mabawasan ang sakit sa puso mo."

Mas lalo akong napaiyak sa sinabi ni nanay. Ang selfish ko naman. Lahat sila alalang-alala sa akin. Pero hito ako ng dahil lang sa lalaki halos mamatay-matay na ako.

"Kakain na po ako nay..." sabi ko rito. Ngumiti ito sa akin. Alam ko natutuwa ito.

"Sige, kain ka ha. Balikan kita mamaya. May tatapusin lang ako sa kusina."

Tumango ako rito at kumain na. Hanggang sa matapos ako hindi ako nito binalikan, busy siguro.

Balik na naman ako sa dati. Malalim na naman ang aking iniisip. Naalala ko na nan siya. Bigla kong naiisip ang aking trabaho. Ayoko kasi ng ganito ako na magtatrabaho. Baka makamatay ako ng pasyente. Buhay ng tao ang hawak ko kaya kailangan nasa tama ang aking pag iisip.

"Baby...."

Natigil ako sa aking pag mumuni-muni ng marinig ko ang boses na 'yon. It's him. Wala ng iba. Parang nabuhay lahat ng dugo ko sa katawan. Kaya paglingon sa pintuan. Nakita ko siyang nakatayo at nakatingin sa akin.

Bagsak ang katawan. Maitim ang palibot ng mata. Puno ng lungkot ang mababanaag sa kaniyang mukha.

"Hon..."

Nagsimula na naman akong umiyak at dali dali akong tumayo at yumakap sa kaniya. "Hon, please. Ayoko... hindi ko kaya."

Niyakap din niya ako ng mahigpit. Iyak ako ng iyak. Hinalik halikan niya ang aking noo ng paulit ulit habang maharan na hinimas ang aking buhok. Naririnig ko rin ang mahina niyang pag iyak. I looked up to him and there. I saw him crying also.

Umiling -iling ako. Nasasaktan rin ako sa nakikita ko sa kaniya. Parehas kaming nasasaktan na dalawa.

"Baby listen to me," marahan niyang sabi. Pero hindi pa rin ako tumigil sa pagluha. Patuloy pa rin ang pag-agos nito habang nakatingin sa kaniya.

"You are my sister now. I know it's hard but eventually matatanggap din natin. We have to move on. Hindi pwede na ganito lang tayo. Huwag mong sirain ang kinabukasan mo ng dahil lang sa nangyari sa atin. Nasasaktan ang pamilya natin parehas. Nasasaktan si mommy. Gusto kung maging masaya siya. At napaka saya niyang malaman na ikaw ang kapatid ko na nawawala," Nag-iba bigla ang tono ng boses niya. Kung kanina mahina. Ngayon naman may diin ang bawat salita niya.

Paano ako? Ganoon lang kadali para sa kaniyang sabihin 'yan. Sa kaniya madali siguro, pero mahihirapan ako. Sobrang sakit.

Oo, tama ito. Wala na kaming magagawa. Hindi naman pwede na ituloy namin. Malaking pagkakasala ang gagawin namin pag nagkataon. Pero bakit ang dali sa kaniya?

A Lust To LoveWhere stories live. Discover now