Kabanata 37

133 5 0
                                    

TROUBLE IN PARADISE

Mahal

"Napaaga yata ang uwi niyo? Atsaka... anong ibig sabihin ng nakita ko kahapon?"

Kinabukasan ay inimbitahan ako ni Maggie sa bahay nila nang makarating dito ang balita kahapon. Sakto rin na wala itong trabaho ngayong linggo kaya nakapagkita kami.

Tinignan ko ang ginagawa nito habang nakatalikod sa'kin at gumagawa ng pagkain sa may counter nila.

Hindi tulad ng dati, ngayon ay mas malaking espasyo na ang bahay nila. Mula sa simpleng bahay ay mistulang naging bahay ng isang prinsesa sa laki ito ngayon. Exultant feeling for her and her family's success is at it's peak. Natutuwa ako, mula sa puso, para sa narating ng kaibigan. Nairaos niya ang kan'yang ina sa hirap tulad ng sabi nito.

Parang kahapon lang ay nangangarap kami sa mga ganoong bagay. Masasabi ko namang hindi na kami ganoon naghihirap at nangangapa. Na kinakailangan pa ng magulang ko na magtrabaho para sa'kin at sa kinabukasan ko dahil ako na ang gumagawa noon para sa kanila.

I'm contented of what I have become. Of people who guided me through the years. Of people who helped me. Basta ay hindi kami nagugutom ay sapat na.

Maggie's figure didn't failed to make me in awe. Sa paglipas yata ng panahon ay mas lalong humuhulma ang ganda nito. Musmos palang kami at walang alam sa mundo ay habulin na siya ng mga batang gustong makipaglaro sa kan'ya. Ano nalang kaya ngayon?

I would have mistaken her for a model if I wasn't her best friend. Hindi mo aakalaing isang nurse ito kung hindi magsusuot ng uniporme.

"Aba... anong nakakaiyak sa tanong ko, Belize?" Natauhan ako nang magsalita muli si Maggie na ngayon ay nakaharap na.

I bit my lip and smiled instead. Umiling ako sa kan'ya.

"Anong ginawa ng Zion na iyon, ha! Naku, makakatikim talaga sa'kin 'yang mga—"

"Hindi... wala... ayos lang ako." Natatawa kong putol sa kan'ya."Masaya lang ako para sa'yo..."

Pinunasan ko ang luha. Huminahon ito at nakalabing lumapit sa mesa kung nasaan ako. She giggled.

We both laughed as we hug each other.

"Masaya rin naman ako sa mga narating mo. Should we call it best friend goals?" She kid. I nodded, a little tearful.

"Na-miss kita..." I voiced out.

"Cringe," she rubbed her arms, exaggerated.

Natawa na talaga ako ng tuluyan saka kumalas sa yakap. Umiling iling sa sarili.

We seldom meet each other. Minsan ay nadedistino siya sa ibang lugar kaya tuwing babakasyon ako rito ay minsan lang rin kami magtagpo. Simula ng graduation namin ay madalang nalang ang pagkikita namin.

"Nasaan ang mag ama mo?"

Maya maya ay balik tanong niya.

Ngumiti ako bago kinuha ang inilalahad niyang plato.

"Si Las sinama ni Papa sa lakad nila. He missed him so much so..." Kumibit ako.

"Eh, si Zion?" Nakaangat ang kilay niyang tugon.

Kumibit muli ako. Sinabi ko ang naalala kong paalam nito kanina. Bibisita raw siya sandali sa mansyon. Napag alaman kong si Marcus lang ang nandoon kaya siguro pupunta.

Kahapon ay napansin ko ang tensyon ng tinginan ni Papa kay Zion nang magharap ang dalawa ngunit wala namang sinabi.

They just excuse themselves after dinner at kinabukasan nga ay tila nagbago ang ihip ng hangin. I even saw him. Sa likod ng bahay namin, si Zion, walang pang itaas at tumutulo ang pawis umagang umaga habang nagsisibak ng mga kahoy.

TROUBLE IN PARADISE (Galvez Series #2)Where stories live. Discover now