Kabanata 25

99 5 0
                                    

TROUBLE IN PARADISE

Handa

Pinipigilan ko ang ngiti habang kausap si Zion sa kabilang linya.

He sighed. Itinago niya ang panghihinayang sa boses nang marinig ang naging tugon ko.

"Hindi talaga ako pwedeng lumiban sa klase ngayon. Maybe you should go out with your cousins instead kahit hindi na ako kasama. Babawi nalang ako sa susunod." Gusto kong palapakan ang sarili dahil may talento pala akong umarte.

"It's fine. I understand. It's not that important anyway..."

Of course it is! Kaya nga gumagawa ako ng alibi para isurpresa siya sa kaarawan niya!

"Ayaw mo ng sumama?"

He didn't know that I knew about his birthday. Gusto niya akong isama sa 'simpleng' ayaan raw nila ng mga pinsan. He thought I have no idea about it. Akala niya hindi ko alam ang okasyon ngayon. Little did he know that Dreau contacted me about his plan. So basically, siya ang naging kasabwat ko rito.

Kung hindi siya tutuloy at hindi mapilit nila Dreau ay masasayang ang plano namin. He needs to go!

"Do you want me to go there?" Ang tono ay parang inaasa niya sa magiging sagot ko ang magiging desisyon niya.

He literally just went no care at all!

Kinagat ko ang pang ibabang labi. I hope you're not upset right now. Halata kasi sa boses niya na nawalan ito ng ganang umalis pa.

"Oo naman. Sabi mo kanina ay naka-oo ka na sa kanila."

He breath out a deep and long sigh. He went silent. Mistulang may sasabihin ngunit pinili nalang na manahimik. I smiled. I know, Zion.

"Ibababa ko na ang tawag. May gagawin pa kasi ako. Bye." Agad kong pinatay ang tawag at hindi na nag abalang sumagot sa bagong dating nitong text.

Kinuha ko ang wallet upang magbayad saka tinanggap ang maliit na lalagyan ng regalo mula sa store na pinagbilhan ko.

"Thank you, ma'am!" Ang babae sa may cashier.

Umuwi ako sa apartment upang makapagbihis at maghanda na sa pag alis. Ilang minuto lang ay nakatanggap ako ng mensahe mula kay Dreau.

Dreau:

Saan ka na? He's on the way!

Me:

Papunta na.

Ang plano ay sasalubungin niya ako sa likod na bahagi ng bar dahil nandoon ang cake na ang sabi niya ay ako ang magdadala papasok. Kumuha sila ng VIP room para hindi kami mahuling dalawa kung sakali.

Nasa taxi ako matapos matanggap ang pinadalang address ng bar. Hindi ako mapakali at kinakabahan sa gagawin. Mahigpit kong hawak ang regalo habang nag aantay pa ako ng signal ni Dreau.

Dreau:

Quit messaging me! Mahuhuli tayo!

Dreau:

I'll text you when I get there.

Ang huling texts niya.

Me:

Ba't ang tagal mo?

Me:

Kanina pa ako nag aantay dito!

Kanina pa ako nakatayo pero ang tagal niyang magreply. Limang minuto pa ang dumaan nang magdesisyon akong gawin nalang ang plan B niya.

Pumasok ako dala na ang isang box ng cake. Hindi ko yata maasahan sa ganito ang lalaking iyon.

Tumunog ang cellphone ko sa kalagitnaan ng paglalakad kaya huminto ako at sinagot iyon. Hindi ko maiwasang umirap. Ba't ngayon lang 'to tumatawag?

TROUBLE IN PARADISE (Galvez Series #2)Where stories live. Discover now