Kabanata 16

92 7 1
                                    

TROUBLE IN PARADISE

Real Abs

"Ba't di mo kasama ngayon si Zion?" Sumimangot ako sa napiling itanong ni Kaitlyn.

Bakit niya hinahanap si Zion? Close ba sila? Kung makapagtanong akala mo kinakausap talaga siya. Ang totoo naman ay siya ang lumalapit dito para kausapin siya.

"May gagawin daw siya..." Hindi ko gaanong pagbibigay ng impormasyon.

Iyon ang sabi niya sa'kin. Siguro ay tungkol sa trabaho. Napag alaman ko kasing si Marcus pala ang naatasan sa ginagawang building nila Alex. Kaya pala nandoon siya noong nakaraang linggo.

Dahil wala nga ang gusto niyang makita, humalukipkip siya saka tinalikuran ako. Hindi ko maiwasang kumibot ang labi sa attitude niya.

Habang tumatagal ay lumalabas yata ang totoong kulay niya. Nagtataka tuloy ako kung bakit hindi iyon napapansin ni Maggie. O baka nag iingat siyang hindi ipakita kay Maggie. Mas matalim pa kaya sa kutsilyo ang dila niya tuwing nagagalit.

Nagpaiwan ang kaibigan ko upang makichika kay Mang Isko habang ihahatid ko ang pinabili ni mama sa'kin.

Bumati si Olivia nang makita akong papasok sa kusina habang pababa ito ng hagdan suot ang pambahay na puting bestida at may dalang tray. Nakalugay ang buhok at parang isang anghel na literal na bumababa.

"Hindi ka na pumupunta dito. Magaling ka na?" May pag aalala ang boses niya na hindi ko naintindihan kung para saan.

Magaling saan? Nagkasakit ba 'ko? Kailan?

"Naging busy lang ako nitong nakaraang linggo... atsaka magaling naman ako. Wala akong sakit."

Kinuha ko sa kan'ya ang tray na may lamang mga plato at kubyertos. Nalilito niya akong tinignan.

"Huh? Hindi ka nakagat ng ahas? Nag alala ako dahil sabi ni Kuya Dreau tinuklaw ka na raw ng ahas kaya hindi ka na napunta rito. Sigurado kang ayos ka lang?" Sinuri niya ang katawan ko upang makita ang tinutukoy niya.

Si Dreau na naman? May sira ba siya sa utak? Nakakailan na siya sa paahas ahas na 'yan. Pati ang sariling pinsan binobola niya.

Maya maya ay hinaplos niya ang mga braso na tila natakot bigla. She scanned the house using her innocent eyes.

"I hope there's none in the house..." She said worriedly.

Tumawa ako dahil napaniwala siya ng pinsan.

"Walang ahas, Olivia. Niloloko ka lang ni Dreau. Hindi rin ako natuklaw o ano mang sinabi niya sa'yo."

"Really?" She sighed in relief.

Pinagdikit niya ang labi saka nanggigigil na kinumo ang kamay sa ere.

"I should have known Kuya Dreau likes to mess around!" Aniya.

Nagmartsa siya paalis. Palabas ng mansyon. Umiiling akong pumunta sa kusina saka ibinaba ang mga dala. Hinugasan ko muna ang tray at ilang pinggan saka lumabas muli.

Sa may veranda ay nakita ko ang anino ni Dreau kaya nilapitan ko siya. Pangisi ngisi pa ito habang tumitipa sa cellphone. He is biting his lips but a low deep chuckle escaped.

Kinuha ko ang atensyon niya.

"Anong pinagkakalat mong natuklaw ako ng ahas?"

"Fucking shit!" Gulat siyang lumingon sa'kin kasabay ng pagkahulog ng cellphone niya.

Agad niyang pinulot iyon. Nang makabawi ay bumalik ang ngisi sa labi.

"Belize. What a surprise!" His playful chuckle came next."Ginulat mo 'ko."

TROUBLE IN PARADISE (Galvez Series #2)Where stories live. Discover now