Kabanata 3

120 4 0
                                    

TROUBLE IN PARADISE

Pangalan

Natutuod akong nakaupo sa front seat ng sasakyan niya.

Kinakabahan ako sa maaari niyang gawin. Lalo na ang magiging reaksyon ni mama at papa kapag nakarating ito sa kanila.

Nakagat ko ang labi habang nag iisip ng magandang irarason sa kanila. Iba ang naging paalam ko tapos iba rin ang matatanggap nilang balita.

Mula rito ay tanaw ko kung paano niya kinakausap ang magulang ni Jin. Mayor Sabel looks a bit embarrassed in front of him while smiling awkwardly. Hindi ko alam kung para saan. Sa katunayan nga ay ang pinsan ni Marcus ang dapat mahiyang lumapit sa tatay ni Jin dahil may posisyon ito sa kinasasakupan niya. But it looks like he has the power over  the Mayor.

Paano niya nagagawa iyon? Kaibigan o pinsan lang naman siya ni Marcus. Atsaka dayo lang siya rito kaya nakakapagtakang iba ang nakikita kong trato sa kan'ya ng Mayor.

What is he?

"Tumakas na tayo, Belize. Malalagot tayo nito sa mama mo. Mukhang nagsusumbong siya sa nangyari..." Nag aalalang tinig ni Maggie.

Bumagsak ang balikat ko. Kahit tumakas pa ako ay magagawa niya paring magsumbong. Sa mansyon si mama nagt-trabaho. Imposibleng itikom niya ang bibig.

"Belize..."

Nadadala ako sa desperadang tawag ni Maggie kaya habang nakatalikod pa ang lalaki sa banda namin ay hinawakan ko ang pinto at dahan dahang tinulak.

"Mauna kang lumabas. Ako ang sisenyas sa'yo kung kailan ka tatakbo." Tumango ako at napalunok sa kaba.

Tumitingin rin ako habang nilalakihan ang bukas ng pinto ng dahan dahan. I set my other foot on the ground ngunit sa kasawiang palad ay lumingon ito bigla.

Naiiyak kong ibinalik ang paa sa loob at nanlumo nalang. Pumalatak si Maggie sa likod.

"Ang malas mo naman..." Si Maggie.

"Ito na yata ang huling pagkikita natin, Belize. Siguradong masasabon tayong pareho mamaya."

Malungkot ko siyang nilingon na parang luging lugi sa nangyari. Pareho kaming napatalon nang bumukas ng malaki ang pinto sa gilid ko saka sumara. Pinagalitan ko ang sarili dahil naiwan pala iyong nakabukas ng kaunti.

"Where's your address?" His voice thundered.

Tinignan niya si Maggie sa likod. Ngumuso ako nang mahinang nagsalita siya. Malayo sa mala megaphone niyang bunganga. Parang makahiyang tumiklop matapos matapunan ng nakakatakot na mata.

Inantay kong lumabas rin siya tulad kanina dahil kukunin ko na talaga iyong pagkakataon na tumakbo dahil ayaw kong makurot ni mama ngunit ganoon nalang ang panghihinayang ko nang hindi ito kumilos.

"Hindi mo isusumbong si Maggie?" May panghihinayang ang boses ko.

Natigil ang akma niyang pag ikot ng manibela saka bumaling sa'kin.

"Do you want me to?" Nakaangat ang kilay na aniya.

Tinanggal niya ang seatbelt kaya nataranta ako.

"H-Hindi! Nagtatanong lang..."

Kinabahan ako doon.

"Ako rin ba?" Baling kong muli.

Ibinalik niya ang seatbelt saka pinaandar muli ang sasakyan.

"Tell me where you live." He ordered instead.

Bakit kita sasagutin kung hindi mo rin masagot ang tanong ko? Bahala ka d'yan.

TROUBLE IN PARADISE (Galvez Series #2)Where stories live. Discover now