Kabanata 13

94 5 0
                                    

TROUBLE IN PARADISE

Ibabaw

Nahimasmasan rin ako sa sinabi nang dumating ang panibagong umaga. Naiuntog ko ang ulo sa unan at sinabunutan ang sarili.

Ano bang pinagsasabi ko?

Bakit ako ang apektado sa aming dalawa eh, desisyon naman niyang kumain noon?

Wala na dapat akong pakialam kung ilan pang stick ng barbecue ni Kaitlyn ang kainin niya dahil alam naman niya kung hanggang saan lang ang kaya niyang lunukin!

Did I just stick my nose where it doesn't belong?

Ano na namang kahihiyan ang ginawa mo, Belize!

"Belize, gising na!" Boses ni mama sa labas.

Lulugo-lugo akong bumangon saka binagalan ang pag aayos ng hinigaan. Lumabas ako at umupo sa tapat ni mama na nakaligo na. Handa ng umalis ngayong umaga.

"Mauuna na ako. Sumunod ka nalang kung wala kang gagawin ngayong araw." Aniya matapos kumain at iniwan ako sa hapag.

"Opo,"

Ang totoo ay wala akong balak pumunta ng mansyon ngayon dahil hindi ko alam ang mukhang ihaharap!

Pahuhupain ko muna ang hiya sa sarili.

Naglinis nalang ako ng bahay at bakuran nang may mapagkaabalahan. Mamaya pang hapon ang rehearsal ulit namin at mahaba pa ang oras. Kakatapos ko lang maghugas kaya lumabas muli ako ng bahay upang pakainin ang mga manok ni Papa.

Nilagyan ko ng pagkain ang maliit na kainan nila isa isa at humalumbaba habang tinititigan silang tumuka ng mabilis. Ipinatong ko ang baba sa kamay na nasa ibabaw ng tuhod ko.

Tinapik ko ang ulo ng manok at mas nilapit ang lalagyan. Nang mapagtantong wala silang tubig ay sumalok ako sa gripo saka bumalik ulit at nilagyan muli ang isa pang lalagyan.

A knock on our door stole my attention. Kumunot ang noo ko dahil may gate naman kami. Tumayo ako. Hindi yata naisara ni mama kanina. Dahil nasa labas naman ay umikot nalang ako para makita kung sino ang nasa pinto.

Nang makilala ang nakatayo doon ay natigil ako. Nanlaki ang mata ko at agad tumalikod upang bumalik sa likod ng bahay ngunit huli na ang lahat.

"Good morning," his deep voice said that made me stopped fully.

Pumikit ako, dahan dahang humarap at umaktong nagulat.

"Oh? Nandito ka pala..." Nababaliw kong tawa.

He nodded and look at me like I'm some sort of a weird creature. His eyes slowly went down to my body. Tumungo rin ako.

Wala pa pala akong ligo!

Hinawakan ko ang buhok at kahit iyon ay wala pang suklay!

"Anong pinunta mo dito?" Imbes ay tanong ko upang lubayan niya ako ng tingin. Mukha na yata akong mabaho.

He lifted a paperbag on his hand and said nothing. Ano iyan?

"I bought something from the market. Can I come in?" Ha? Bakit?

Humakbang siya palapit ngunit pinigilan ko agad. Nataranta na baka maamoy niya ako. Nakakahiya iyon!

"D'yan ka lang. Uh, mag antay ka lang d'yan hanggang buksan ko ang pinto para sa'yo." Umatras ako at mabilis na lumiko para pumasok sa loob ng bahay.

Nagtagal yata ng ilang minuto kaysa sa pangkaraniwan ang pagligo ko. Nagbihis ako ng pambahay bago napagpasyahan na sumilip sa bintana. Siguradong umuwi na iyon sa tagal ng paghihintay.

TROUBLE IN PARADISE (Galvez Series #2)Where stories live. Discover now