Kabanata 26

99 3 0
                                    

Warning: Slight Red Alert.

TROUBLE IN PARADISE

Snack

"Sa airport ang tungo niyo ma'am? Naku! Matatagalan kayong kumuha ng taxi rito!"

"Hindi ho, manong. May ticket na kami sa bus kaya dito kami sasakay." Agad kong pagtatama saka hinila ang kasama na talagang nakakaagaw ng pansin.

Napagkamalan pa kaming tutungong airport. Jeans at tshirt lang naman tulad ko ang suot niya pero nakakapanghakot pa rin ng mata sa mga bumabiyahe at ginagawang tanawin ng mga babae. Dinaig pa ang tourist spots sa Pilipinas.

His proud nose were as high as the sun. Lalong nadedepina dahil sa suot na itim na shades.

Kinakabahan ako na baka mainit siya sa mata ng mga holdaper dito.

Bago kami nakarating rito ay pinagtalunan pa namin ang sasakyan. Gusto niya by air dahil mas mabilis at hindi nakakapagod. Hindi para sa eroplano ang inipon ko at afford lang ang by land na travel kaya ito siya ngayon at nangungunot ang noo sa init.

He insisted to take a plane kaya nang sabihin kong maghiwalay nalang kami ng sasakyan ay sa huli napilitan itong magbus kasama ko.

"Pareho lang 'to sa ginawa niyo noong pumunta kayong probinsya. May sarili nga lang kayong sasakyan papunta roon."

Sa gitnang bahagi ang seat number namin kaya agad kaming naupo nang makita. Ako sa may bintana.

"Why don't we use my car instead?"

"Mapapagod ka lang sa haba ng biyahe. Hindi ako marunong magmaneho kaya walang papalit sa'yo."

His lips protruded a bit. Isinabit niya sa collar ng shirt ang shades atsaka bumaling sa'kin.

"Walang papalit sa'kin?" He meaningfully said.

I arched my brows. Napapangiti sa kan'ya.

"Nabibingi ka na, Zion?" Tukso ko.

Humalakhak siya at umiling iling. He intertwined our fingers and brought it to his lips. Particularly on the ring. It shines brightly and beautifully. He loves staring at it so much.

"F-Fiancee?! Aisla Belize...! ano bang...?"

Hindi alam ang ir-react ni mama nang sabihin ko ang ipinunta namin ni Zion. Napahawak siya sa likod ng sinasandalan at tinitigan kami ni Zion sa harap niya, nanlalaki, hindi makapaniwala ang mata.

Nakakagulat nga naman na wala akong pinapakilalang boyfriend sa kanila sa nagdaang taon pero uuwing may singsing na.

"Hindi ko maintindihan, Belize. Ano 'to? Nalalabuan ako... paanong? Bakit ang anak ko?" Bumaling siya kay Zion sa mabilis na sagot na gustong marinig dahil tila hindi makabuka ang bibig ko sa sunod sunod niyang tanong.

Mama's face turned serious at the same time curious.

Zion cleared his throat. Tuwid ang upo at hindi makikitaan ng kahit kaunting nerbyos.

"I wanted to tell you personally about our relationship before but..." Zion glanced at me."Aisla doesn't like the idea, yet and so..."

"Nag aaral pa ang anak ko, hijo. Atsaka sigurado ba kayo sa desisyon niyo? Aba'y hindi ako papayag hangga't hindi 'to alam ng ama niya!"

"Ma..." I tried calming her down but she shoved my hands away. Very much into her emotions.

Hindi natinag ang pakikipagtitigan nito kay Zion.

"We're not in a hurry, tita." Napatingin ako kay Zion, biglang nahanginan kung paano niya confident na tinawag si mama.

Mama was a bit moved by it but she concealed it quickly.

TROUBLE IN PARADISE (Galvez Series #2)Where stories live. Discover now