Kabanata 10

104 8 0
                                    

TROUBLE IN PARADISE

Flutter

Before the school year ends, sumabak kami sa training. Maggie and I were assigned at the small clinic. Sa lahat ay iyon ang pinakainaabangan kong mangyari sa taong iyon dahil gusto kong malaman at makita mismo ang totoong nangyayari. Hindi naman kasi lahat ng nasa librong pinag aaralan namin ay nangyayari sa totoong buhay. Hindi lahat ng sitwasyong binibigay ng libro ay iyon na.

It gives me a feeling of excitement whenever I see nurses and doctors in white uniform. Pangarap ko ring makapagsuot ng ganoon. Balang araw ay matutupad ko ang lahat at maiaahon ang pamilya sa hirap.

"Hoy! Natutulala ka na naman d'yan!" Napaiwas ako ng tingin sa mga staff ng clinic nang banggain ni Maggie ang balikat ko.

Tinanggap ko ang bananacue na binili niya. Break namin ngayon kaya naisipan niyang bumili ng makakain. Sa tapat ng clinic ay may nagbebenta ng pagkain. Nasa tawid lang kami at nakatayo sa gilid.

"Maggie, anong tingin mo ang magiging future natin fifteen years from now?" Lumingon ako sa kan'ya.

"Ako simple lang. Magiging isa akong may bahay na uuwian ng matipuno at gwapong asawa!"

I gave her a side eye glance. Natatawa kong kinurot ang tagiliran niya ng pabiro. She giggled away from me and swat my hands.

Umaandar na naman ang kapilyahan niya. Pero kung iyon ang nakikita niya sa hinaharap ay wala naman akong masasabi. If she's happy with it then who am I to object?

"Ikaw anong sa'yo?"

Ako... nakikita ko ang sariling nakasuot ng sariling puting coat at may sariling opisina para sa mga pasyente ko. Sina Mama at Papa ay hindi na magt-trabaho dahil ako na magbibigay ng panggastos namin. Isang tahimik at masayang pamilya sa isang simpleng bahay na ipapatayo ko para sa'ming tatlo.

Nangingiti lang akong tumingin sa kan'ya saka kumagat ng bananacue ng tahimik. Bumalik rin kami sa kan'ya kan'yang task na inassign sa'min ilang minuto lamang.

Tuwing Monday, Wednesday and Friday ang schedule namin sa clinic at ang dalawang araw na natitira ay para lang sa pagr-report sa eskwelahan tungkol sa ginawa namin.

That day I was assigned to Doctor Dela Vega in her office. Nagsusulat lang ako ng mga irereseta sa mga pasyente niya at nakikinig sa kung anong sinasabi niya tungkol doon.

The next day, I was in the triage to help the patients with their concern. Kada araw ay umiikot ang pwesto namin para hindi lang sa isang parte ng clinic kami manatili.

"Four years old with fever, Doc. Isang linggo na raw po pero hindi pa bumababa ang lagnat." I reported as soon as I get the patient's information habang tinitignan niya ang hawak na papel na binigay ko.

Sinulyapan ko ang mag ina na nag aantay na matawag ang pangalan sa may waiting area. Nag aalala ang mukha habang tinatahan ang anak. Ngitian ko siya ng magaan nang makita akong nakatingin.

"Congratulations everyone!" The school founder's final speech before walking back down the stage with a smile plastered on her lips.

Pumalakpak ako saka tumayo sa upuan. Students were scattered around the venue, taking pictures and congratulating each other. Sinalubong ko ang kaibigan na nagtatatakbo palapit sa'kin. Tumili siya na ikinatawa ko lamang.

We both got awarded as the highest honors na talaga namang ikinagulat ng mama niya nang matawag ang pangalan niya kasunod sa'kin kanina.

"Anak, magpapalechon tayo sa bahay! Bakit hindi mo sinabi sa'kin na may parangal ka pala!" Si Aling Rita na pinalo si Maggie ngunit nasa mukha ang pagiging proud sa kan'ya.

TROUBLE IN PARADISE (Galvez Series #2)Where stories live. Discover now