Kabanata 7

96 6 0
                                    

TROUBLE IN PARADISE

Band

"Napapadalas yata ang paglabas mo ng gabi, Belize?"

Dahan dahang humina ang kilos ko nang marinig ang pamumuna ni Mama isang gabi sa bahay.

Kinagat ko ang labi. Humarap ako sandali sa maliit na salamin at inilagay ang tatlong hairpin sa kaliwang bahagi ng buhok upang hindi mapunta sa mukha ko ang ilang hibla noon.

Nakita ko sa repleksyon si Papa na nanonood sa ginagawa ko. Nakaupo sila sa maliit naming sala habang kumakain ng panghimagas. Sa harap ay ang TV namin.

Paano ako hindi mapupuna, eh pangalawang gabi ko na itong paglabas ko. Dinadahilan ko lang si Maggie palagi. Pero kasama ko naman siya. Hindi nga lang sa sadya ko.

"Hayaan mo na, Nina. Hindi naman gan'yan ang anak natin kapag may eskwela na. Mas mabuting inaaliw niya ang sarili sa ibang bagay habang may pagkakataon." Si Papa.

Hindi naman nagpatinag si mama at pumalatak lang.

"Oo nga, mama. Kasama ko naman si Maggie. Manonood lang po kami ng banda sa may park." Humarap ako sa kanila.

"Uuwi ka ng alas otso, Belize. Iyong bilin ko sa'yo, ha!" Si mama na wala ng nagawa nang pumayag si Papa.

Kung may mas strick sa kanilang dalawa, si mama talaga iyon. Kadalasan kasi ay hindi nababali ang desisyon niya sa isang bagay pero kapag sumasang ayon na si Papa may tsansa iyong mabali. Though, Papa looks more strict in the family pero si mama talaga ang batas sa bahay.

Makulay at buhay na naman ang gabi nang dumaan ako sa perya para bumili ng pagkain namin.

"Dalawang waffle hotdog at black forest shake! Anong gusto mo?" Baling ko sa kasama na nakapamulsa sa tabi. He scanned the menu above lazily.

"Give me this," turo niya sa siomai na nakadisplay sa picture.

Tumango ako at sinabi rin iyon sa tindero. Kumakain pala siya niyan.

Inilabas ko ang wallet sa bulsa para makapagbayad pero inunahan niya ako. I held his hand to stop him. Pinatong ko ang sariling pera sa lalagyan na agad kinuha ng tindero.

"Ako nga magbabayad sa'tin. Bayad ko 'to 'di ba?" Paalala ko saka ngumisi. Umiling siya at binalik nalang sa bulsa ang isang libo.

Naglakad kami papuntang park pagkatapos at naabutan ang kasalukuyang nags-set up palang ng mga gagamitin sa isang make shift na stage. Sa harap noon ang isang barricade na nakapalibot sa malawak na park.

"Belize!"

Narinig ko ang boses ni Maggie. Kumaway ako nang makita siya. May kasama siyang isang babae at lalaki sa likod niya. Sino naman ang mga iyon?

"Kasama mo ulit iyon?" Tukoy niya kay Zion sa may bench.

"Oo. Manonood rin daw siya... sinong mga kasama mo?" Bumaling ako sa likod niya kung saan papalapit ang dalawa.

"Ah! Sandali ipapakilala kita!" Aniya matapos akong hilahin sa kan'ya.

Binigay ko ang isang waffle sa kan'ya. Humagikhik siya matapos tanggapin. Nililipad ng pang gabing hangin ang manipis na bangs.

"She's Kaitlyn. Anak ng bagong kapitbahay namin galing Maynila!" Pakilala niya sa babae na malawak ang ngiti sa'kin. Ngumiti ako saka kumaway. Naka maikling shorts ito na pinaresan niya ng pang itaas na kita ng kaunti ang tiyan. Maganda siya at mapula ang labi at pisngi na may bahid ng lipstick habang mataas na nakatali ang buhok.

Ka-edad ba namin siya? O iba lang ang pananamit niya?

Nalipat ang tingin ko sa bagong dating. I stared at him for a couple of seconds, trying to remember where I saw his familiar face.

TROUBLE IN PARADISE (Galvez Series #2)Where stories live. Discover now