Kabanata 14

99 5 0
                                    

TROUBLE IN PARADISE

Uuwi

Halata naman sa itsura niya na hindi siya tumatanggap ng kahit anong biro, he's more of a type of a man that takes things seriously. Simula ng mapatunayan ko sa sarili ang naging kapalit ay itinatak ko sa isip na hindi na mauulit ang nangyari kanina.

I mean, I can't read what's going on in his mind so I better be careful of what I do and say.

Siguro kung naging lalaki lang ako ay kanina pa ako nasuntok sa mukha. Hindi naman siya nagalit pero hindi rin niya nagustuhan ang sinabi ko. Halata naman sa inasta niya kanina.

Now he's acting like he's never done trouble in my heart. Kung ako ay hindi pa makahuma sa nangyari, siya naman itong parang normal lang na mang corner siya ng babae sa sulok sulok na bahagi.

Now that I think of it...

"Bakit hindi mo na sinasama ang girlfriend mo dito?"

Binalatan niya ang lansones na binili niya kanina sa palengke. Kaya pala nasa bayan sila kanina.

"I never had a girlfriend." Pinulot ko ang binalatan niya sa paper plate at kinain.

Itinukod ko ang magkabilang kamay sa likod at kinuyakoy ang magkabilang paa habang ang mata ay nasa mga kaibigan na kasalukuyang nasa tubig.

"Weh? Anong tawag mo sa babaeng nandito noong nakaraang taon? Hiwalay na kayo agad? Bakit?" I asked eagerly.

"Honey was just a friend... she's not my girlfriend." Iling niya, sigurado ang tinig.

May pagdududa ko siyang nilingon. Nanliliit ang mata. He's lying. Walang kaibigan na naghahalikan sa likod ng mansyon!

"Ganoon ba sa Maynila? Pwedeng maghalikan ang magkaibigan? Kung ganoon pwede pala kami ni Jin o di kaya ay si Leo, Carl o si Joha—"

"Hindi." Putol niya agad sa madiin na boses na ikinahagalpak ko ng tawa.

Halimbawa lang naman iyon! Hinding hindi ako hahalik sa mga kaibigan ko 'no!

"Bakit? Dahil taga probinsya kami? Kapag pumunta ba kaming Maynila ay pwede na—"

"Hindi pwede. Bawal ka pang makipaghalikan." Pinal niyang desisyon na parang ama ko siya. Nang marealize ang sinabi ay tumikhim ito."Mga bata pa kayo..."

Kumibit ako rito. Ayaw magpatalo sa kan'ya. Nakakatuwa siyang asarin dahil parang nawawala ang kompustura niya sa topic namin.

"Magiging legal rin naman ako sa susunod na taon kaya—"

"Hindi nga pwede."

"Bakit hindi? Labi ko naman 'to kaya ako dapat ang masusunod kung sino ang hahalikan ko." I grinned to tease him more.

He hissed in annoyance. Brows almost meeting each other. Sinamaan niya ako ng tingin bago bumaba ang mata sa labi ko. Tumawa ako nang bitiwan niya ang binabalatan at biglang naghubad ng damit saka lumusong sa tubig.

Humagikhik ako. Ang pikon naman niya...

Naiwan akong inuubos ang lansones sa plato bago nagpasyang ilublob lamang ang mga paa sa tubig. Hindi ako marunong lumangoy kaya sa falls lang ako madalas magtampisaw. May daanan naman papunta doon ng hindi lumalangoy sa tubig.

"H'wag ng sumabit kung saan saan, Belize. Baka malipasan ng gutom ang papa mo kung hindi mo ito agad naibigay." Tinakpan niya ang panghuling tupperware bago ipinasok sa loob ng paperbag.

"Aalis na po kayo, mama?" Tinanggap ko ito at sinilip ang loob upang tignan kung meron pang nakalimutan ilagay.

"Oo. Sige na. I-lock mo ang pinto bago ka umalis."

TROUBLE IN PARADISE (Galvez Series #2)Where stories live. Discover now