Kabanata 19

89 4 0
                                    

TROUBLE IN PARADISE

Freely Have Me

Awkward.

The right word to describe after what felt like eternity by staying inside his room, alone, together.

Ako lang pala ang nakakaramdam noon dahil normal lang ang kilos niya. Na parang hindi kami naghalikan kanina.

Ano kayang magiging reaksyon niya kung sabihin kong siya ang nakakuha ng unang halik ko?

Napalingon ako sa pinto nang may malakas na kumatok roon. I panicked a bit even though the door was locked. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama at handa ng magtago kung sakali ngunit lumabas mula sa restroom si Zion.

Mula sa'kin ay lumipat ang mata niya nang mag ingay muli ang pinto.

"Zion!" Naulingan ko ang boses ni Dreau sa labas.

Zion's forehead creased when I hid behind the door. Binuksan niya ang pinto ng bahagya kaya narinig ko ang sinabi ng pinsan niya.

"Ibaba mo na 'yan. Hinahanap na. Nandito ang ama sa bahay." May pagbabanta ang tinig ni Dreau.

Si Papa? Bakit?

Sinara pabalik ni Zion ang pinto ng walang pasabi. A loud thud from the door outside comes next from Dreau.

"Magbibihis lang ako. Let's go downstairs together." He said with finality in his voice.

Pagpasok niya sa loob ng walk in closet ay ang paglabas ko rin ng kwarto. Nandito si Papa. Hindi niya pwedeng makita kaming sabay na bumaba. Baka iba ang isipin niya.

Pinasadahan ko ang labi ngunit ngumiwi rin nang madaanan ang sugat roon.

"Pa..." Tawag ko sa ama na kakatapos lang makipagtawanan kay Mang Isko.

"Saan ka na naman nagsuot? Kanina ka pa hinahanap ng mama mo." Aniya.

"Bakit po? Napadaan kayo rito, Papa?" Ang alam ko ay mamayang dapit hapon ang uwi niya ngayong araw.

"Inimbitahan tayo sa kaarawan ng amo namin. Iyong ama ng kaibigan mong si Alex ba 'yon? Pupunta tayo sa kanila."

Iyon nga ang nangyari. Ayaw ko sanang sumama pero binantaan kaagad ako ni mama. Aniya'y lalakwatsa na naman daw ako. Si Dora yata ang tingin sa'kin ni mama.

Hindi ko pa nakita ang bahay nila Alex kaya namamangha kong tiningala ang simple ngunit malawak na bakuran. Gabi na kaya nakikita ko ang mga fairy lights na nakasabit sa mga puno bilang desenyo. Meron rin sa ibang parte ng bakuran.

Sa dami ng bisita ay nagawa pa rin kaming ipakilala ni Papa sa magulang ni Alex. Magkausap ang ina ni Alex at si Mama habang nakaharap ko ang ama nito. Yumuko ako at bumati bilang paggalang.

"Is this your daughter? Oh! I remember you, hija. Ikaw ang kaibigan ng anak ko 'di ba? Madalas ka bumisita sa site kaya nakikita kita." Ang ama ni Alex.

"Oo, minsan ay nakakalimutan kong magbaon ng pagkain kaya hinahatiran ako." Papa caressed my back in a father-like manner, smiling proudly at the man.

Ngumiti ako saka tahimik na inikot ang mata sa paligid. Saan kaya ako magpapalipas ng oras mamaya? Siguradong matatagalan sila Papa rito.

"That's so sweet..."

Nagwala muli ang dibdib ko nang magtagpo ang mata namin ng bagong dating na panauhin ngayong gabi. Nakasuot ito ng simpleng polo shirt na palagi niyang tinutupi hanggang siko at pinaresan ng pantalon. Sa tabi niya ay si Marcus na ganoon rin ang suot at parehong pormal tignan. Nakakangiti na ito kaya tingin ko ay wala na ang hangover niya.

TROUBLE IN PARADISE (Galvez Series #2)Where stories live. Discover now