Kabanata 8

97 5 0
                                    

TROUBLE IN PARADISE

Sticker

"Magkaklase ulit tayo!" Masaya kong tugon nang makita ang papel ni Maggie.

"Gaga ka! Malamang ay dahil sa pareho tayo ng strand galing!" Pinalo niya ng mahina ang ulo ko gamit iyon.

Wala sa sariling hinimas ko ang noo.

"Hindi lang naman kasi isang section ang meron sa strand natin! Mag isip ka rin, ha!" Inambahan ko siyang papaluin rin ng papel.

Nakanguso niyang inayos ang buhok nang mapagtanto iyon. Nirolyohan ko siya ng mata. Humalakhak lang ito saka ako hinila paalis sa registrar office.

"Saan tayo?"

Dumaan kami sa malawak na field. Nasagot rin ang tanong ko nang makita kung sino ang nag aantay sa amin sa may bench.

Tumayo siya roon nang makita ang paglapit namin ni Maggie. He smiled at us. Sa malayong likod niya ay nakita namin ang dalawang tingin ko'y bodyguard niya. Nalungkot ako sa nakita.

"Nakapag enroll ka na rin?" Si Maggie na umupo sa tabi niya.

"Oo, kanina pa. Kayo?"

"Kakatapos lang rin namin. Magkaklase ulit kami ni Belize!" Masayang tugon ni Maggie. Ngumiti si Jin rito.

Lumapit ako saka sumulyap muli sa dalawang lalaki sa likod.

"Grounded ka pa rin?" Tanong ko.

Natawa siya. Sumulyap rin sa bantay niya.

"Ngayong linggo nalang siguro..." Sa siguradong tinig na aniya. Ngumiti ako sa balitang iyon. Ilang linggo na rin simula noong pinagbawalan siya ng Papa niya. Nagalit nga siguro ito sa pag alis namin ng walang permiso.

"Naayos naman agad ang problema. Papa insisted to pay all the damages and shouldered everything as my favor in exchange of being grounded just so you guys will not get involved in it. Alam ko namang doon rin ang punta ko. I told him to just cover up all the expenses so..." He trailed off and shrugged.

Maggie reacted.

"Ginawa mo talaga iyon, Jin? Eh, sina Leo? Grounded rin? Hindi ko kasi mahagilap ang mga iyon..." She eagerly faced him for answers.

Natahimik naman ako at pinoproseso pa ang sinabi ni Jin kanina.

If the Mayor shouldered all the expenses... ibig sabihin ba nito kasama na kami doon? Like what Jin said?

"Most probably, yeah."

"Sandali..." Pagsabat ko sa usapan nila habang natutulala. Nakuha ko ang mata nila pareho."Iyong binayad ng Papa mo... kasama ba kami roon?" Paninigurado ko. Baka namali lang ako ng dinig.

Jin gave me a confused look. Maggie tsked disappointingly and gave me the same look.

"Bingi bingihan tayo, Belize? Kakasabi lang na binayaran ni Mayor ang damage—ha? Totoo ba, Jin?!" Ako naman ang napatingin sa kan'ya nang tuluyan ring mag sink in sa kan'ya iyon.

Her almond eyes widening in disbelief. Pareho naming tinignan si Jin na walang alam sa tinutukoy namin.

"Yeah, I just said it..." Naw-weirduhan at natatawa niyang sagot. Nagpapabalik balik ang tingin sa'min ni Maggie."Labas na kayo roon sa problema. Nabayaran na rin naman agad kaya h'wag na kayo mag alala."

Parehong nalaglag ang panga namin ni Maggie nang makumpirma iyon. I think we both had the same thought. Napatayo ako sa inuupuan. Maggie nodded her head repeatedly like she knows what I'm about to do, encouraging me to do it.

TROUBLE IN PARADISE (Galvez Series #2)Where stories live. Discover now