Kabanata 22

89 5 0
                                    

TROUBLE IN PARADISE

Night

Tuwid at pormal ang upo ko sa loob ng opisina ni Zion. Nasa labas sila kasama ang ama at ina nito kaya hindi mapakali ang pwet ko sa upuan. Baka bigla silang pumasok.

Nakarinig ako ng katok kaya nanigas muli ang kaninang kalmadong pamostura. Pumasok ang babaeng may tulak tulak na pagkain. Ngumiti siya ng magaan nang makita ako.

"Good afternoon, miss."

Sinundan ko ng tingin ang pagbaba nito ng mga plato sa kaharap na mesa.

"Para sa'kin 'to?" Nagugutom na rin ako kaya naninigurado lang.

"Yes, miss. Nirequest po ni sir Zion. May kailangan pa po kayo?"

Umiling ako. Kumukulo na ang tiyan sa mabangong pagkain na nakahain.

"Wala. Salamat dito," Ngumiti ako.

"Uh, kung hindi mo mamasamain... girlfriend po ba kayo ni sir Zion?" Akala ko ay aalis na siya kasi hinila niya pabalik ang tinutulak.

Mukhang hindi naman niya ipapagkalat kung sasabihin kong...

"O-Oo." Pagsisinungaling ko."Boyfriend ko si—"

Naputol ang sinasabi ko nang muling bumukas ang pinto. Itinikom ko ang bibig ng wala sa oras. Umakyat ang dugo sa mukha ko. Boyfriend ko siya 'di ba?

Awtomatikong naging pormal ang tayo ng babae nang pumasok si Zion at tahimik na nagpaalam saka lumabas.

Hinubad niya ang coat at sinabit sa likod ng swivel. Iniwan ang puting long sleeve habang niluluwagan ang tatlong butones sa itaas.

Naalala ko na naman ang nakakatakot niyang ama.

"I'll fetch you tomorrow after work, hm?" Tinanggal ko ang seatbelt nang tumigil ang sasakyan niya sa tapat ng apartment ng tita ni Maggie.

"Hanggang bukas nalang ang pasok ko doon. Mag iiba na 'ko ng schedule dahil may pasok na sa lunes." Imporma ko. Baka kasi pumunta siya sa mga sumunod na araw tapos hindi ko pa pala shift. Masayang lang ang oras niya.

"You're doing part time? How about school?"

"May mga araw akong pwede isingit ang trabaho... tumatanggap parin naman sila ng working student."

Wala pa yata siyang karanasan sa mga ganoong pinagsasabay ang trabaho at eskwela.

He bob his head up and down. Pumasada ang dila niya sa labi ng mabilis.

"I'll have to get your schedule, then." He announced. I nodded my head and readied to get out of the car.

"Sige, bukas. Uh, bye..." I awkwardly bid my goodbye.

He nodded, glanced at the apartment quickly and advanced. Nahigit kong muli ang hininga.

"Bye," he whispered and planted a soft kiss on my cheeks.

"Bakit ginabi ka? Sino iyon?" Agad na pamungad ni Maggie. Nakatayo siya sa tapat ng pinto ko na parang kanina pa nag aantay.

Mula sa pambisig na relo ay humalukipkip siya.

Akala mo concern na concern. Makikibalita lang naman.

"Nagkita kami kanina ni Zion sa restaurant." Binuksan ko ang pinto. Sumunod siya sa loob at humiga sa kama.

"O? Tapos? Nagkiss ulit kayo?"

Oo... sa cheeks lang.

"Matagal kaya kayong hindi nagkita kaya hindi na ako magugulat kung oo ang isasagot mo!" She giggled at herself.

TROUBLE IN PARADISE (Galvez Series #2)Where stories live. Discover now