Kabanata 5

113 6 0
                                    

TROUBLE IN PARADISE

Waffle hotdog

"Pupunta akong perya mamayang gabi! Sama ka?" Excited niyang saad.

She tucked her hair behind. Her short brown hair flying freely. Ang kadalasang nakaladlad na bangs ay nakaipit kaya parang maaliwalas tignan ang maliit niyang mukha.

"May kikitain ka na naman?"

Napaaray ako nang malakas siyang pumalo sa braso ko.

"Bakit gan'yan agad ang naiisip mo sa'kin! Hindi ba pwedeng gusto ko lang sumakay sa mga rides!" Depensa niya na sinuklian ko lang ng irap.

"Bakit sa gabi ka pa pupunta kung pwede naman ngayon? Depende nalang siguro kung may kikitain ka talaga..." Asar ko pa saka humalakhak.

Sinamaan niya ako ng tingin at mabilis na hinila ang dulo ng buhok ko. Natatawa kong hinila pabalik iyon.

"H'wag ka na nga sumama! Kainis 'to..." Aniya.

Binuklat ko ang maliit na notebook kung nasaan ang listahan ng mga natitirang babayarin ko. Nakakapanlumo ang laki ng halagang binagsak niya sa'kin noong isang araw.

Kinagat ko ang dulo ng ballpen habang tinitignan ang maraming numerong nakasulat. Binawas ko na iyon sa pinakain ko sa kan'ya pero imposible paring mabayaran ko iyon sa maliit na halaga lamang. Ni hindi nga umabot sa dalawang daan ang kinain namin. Saan naman ako kukuha ng pera?

Di bale na. Wala naman siyang sinabi kung hanggang kailan lang ako magbabayad. Ayoko na rin itanong dahil baka madaliin niya ako.

The last time I brought up a topic, hindi naging maganda ang resulta.

"Ma, isasama raw ako ni Maggie sa perya mamayang gabi... Sandali lang naman kami roon. Uuwi po ako agad." Pagkuha ko ng atensyon mula sa ginagawa niya.

"Ano namang gagawin niyo doon? At bakit gabi kayo aalis?" Nag angat siya ng tingin sa'kin.

"Maganda kasi sumakay sa mga rides tuwing gabi, mama. Nagpaalam na po ako kay Papa pero pinapasabi niya rin sa'yo."

Bumalik ito sa pagwawalis kaya sumunod ako.

"Basta ay uuwi ka ng maaga, Belize." Tanging sagot niya na ikinangiti ko.

Tumango tango ako.

"Opo, ma!"

Ginanahan akong tapusin ng mabilis ang ginagawang pagt-trim sa mga halaman. Nang mapadaan sa mga grupo ng gumamela ay pumitas ako ng maliit saka inilagay sa likod ng tenga. Humagikhik ako habang ginagawa iyon.

Malapit na ang pista sa'min at ngayon palang ay ramdam ko na ang saya ng mga tao at excitement sa mga araw na lumilipas.

Sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang pagpasok ng isang sasakyan. Si Marcus lang ang nakita ko kanina sa loob kaya tingin ko ay ang mga pinsan niya ito lalo na't may sumunod pang isa sa likod.

Ngumuso ako at tumalikod ng bahagya sa kanila.

Mahirap na kapag nakita ako. Wala pa akong pera.

Narinig kong bumukas isa isa ang mga pinto ng sasakyan.

"Hey," tawag ng babae.

Napapikit ako ng palihim. Sabi ng ayaw ko kahit anong atensyon ngayon.

Lumingon ako. I scanned her outfit in awe. Maganda talaga siya tignan. Ang hapit na dress ay nagpapakita ng hubog ng katawan nito lalo na ang mahabang mga binti sa suot na mataas na heels. Halos lumuwa nga lang ang dibdib niya na tila naiipit sa suot.

Ganito ba ang mga type ng taga Maynila?

Sabagay, kahit saan naman ganitong hubog ang gusto ng mga lalaki.

TROUBLE IN PARADISE (Galvez Series #2)Where stories live. Discover now