JUST ANOTHER LOVE STORY

7K 52 3
                                    

Just Another Love Story

Simple lang ang pangarap ni Enid Salvacion, ang kahit papaano ay guminhawa ang buhay nya. Makaalis sa pinagtatrabahuhang rice mill sa probinsya, makaipon at makapag-abroad. Para na rin sa kanyang lola na tanging nagpalaki at nagtaguyod sa kanya dahil kakagraduate pa lang nya ng high school nang pumanaw ang mga magulang nya sa isang aksidente.

Sa tulong ng isang kaibigan ay lumuwas sya sa Maynila para mamasukan bilang personal assistant sa isang sikat na artista. Nagulat sya nang malamang ang magiging amo pala nya ay ang sikat na sikat at award winning actor na si Isaac Benitez. Paano kung malaman nyang ang lalaki pala ay arogante at numero unong babaero, mag-iiba ba ang pagtingin nya dito?

E paano kung magising  na lang sya isang araw na sya rin pala ay unti-unting nahuhulog sa charm ng lalaki?Iiwas ba sya o hahayaan nyang mahulog sya ng tuluyan? Gantihan kaya ni Isaac ang nararamdaman ng isang simpleng P.A. o paglaruan lang din sya gaya ng ibang mga babae?

JUST ANOTHER LOVE STORYWhere stories live. Discover now