Nerd into a Princess

4.3K 59 2
                                    

LAST CHAPTER: Emperor's Queen

Pagpatak ng ala-sais ng umaga ay tumunog ang alarm clock. Nagising ako at napahikap. Panibago na namang umaga.. Humarap ako sa gilid ko at hinahaplos ang espasyo sa kama. Kelan ka ba babalik?

Inalala ko muna yung huling umaga na nagising kami ng magkatabi. Hanggang sa napagdesisyunan ko nang maligo. Binilisan ko ang kilos nya dahil may meeting pa ko mamaya sa manager ng isang sikat at kilalang model. Dahil na rin may pupuntahan ako na importante.

Naka-ayos na ako at lumabas ng kwarto. Naglakad ako palabas at binabati ako ng mga nakakasalubong kong maids. Sumakay ako sa kotse at saka sinabihan ang driver na pumunta sa lugar na araw-araw kong pinupuntahan.

Dumaan kami sa isang flowershop. Agad namang inabot ng isang matandang babae ang bulaklak na pinahahanda ko tuwing umaga. "Para nanaman ba ito sa kanya?" nakangiting tanong ng matanda.

Agad akong tumango at iniabot ang bayad. "Thank you po, tita." nakasanayan ko na itong tawaging tita. Dahil halos araw-araw ako ritong dumaan ay nagiging magkasundo kami.

"Sana magustuhan nya iyan.." dagdag pa nito.

Nagpatuloy ang pagdadrive hanggang sa marating namin ang isang pribadong sementeryo. Bumaba ako ng kotse at saka kinuha yung kandila, posporo at bulaklak na binili ko kanina. Napahinga ako ng malalim. Makikita ko na naman ang pangalan nyang nakaukit doon sa lapida at masasaktan na naman ako. Maaalala ko nanaman sya.

Nang medyo malapit na ako sa lugar kung saan sya nakalibing, napahinto ako at nakita ang pigura ng isang babae. Nandito na naman sya.. Alam kong araw-araw syang pumupunta rito. Minsan kapag nadadatnan ko sya ay hindi muna ako lumalapit sa puntod at hinihintay ko lang sya umalis at saka ako lalapit. Alam kong naglalabas ng sama ng loob ang babae na iyon sa kanya. At maging ako, nasasaktan tuwing nakikita ko syang umiiyak sa harap ng puntod na iyon.

Ngunit ngayong araw ay hindi ko yata sya mahihintay na umalis. Dahil bukod sa marami akong gagawin ay may meeting pa ako. Nagpatuloy ako sa paglakad at saka nilapitan sya. Naririnig ko ang mga paghikbi nya. Hinawakan ko sya sa balikat at agad syang tumingala sa akin.

Nginitian ko lang sya at saka ako lumuhod. Napansin kong may bulaklak na nakalagay doon at may nakatirik na rin na kandila. Kaya nilagay ko yung bulaklak at nagtirik rin ng kandila. Umupo ako at saka pumikit.

Salamat sa pagiging mabuting kaibigan... Hindi kita makakalimutan. Kahit siguro sa kabilang buhay, ikaw pa rin ang pipiliin kong maging kaibigan at kapatid. Salamat sa pagpapakita sa akin na meron kang pakialam sa buhay ko.. Salamat dahil minahal mo ako. Kahit di ko man masyadong naipapakita, mahal rin kita kahit papano, Tristan. I don't know what to say. I don't know how to say how lucky I am to know you. You're one of a kind. One in a million.

"N-Nakakainis ka! Mas madrama ka pa sa akin." sabi ni Muriel habang pinupunasan yung mga luha sa pisngi nya. Ngayon ko lang ulit ito nakausap kahit pa araw araw ko syang nakikita rito. "At tsaka.. 'Wag ka na magdala ng bulaklak.. baka kiligin 'yang si Tristan at bumangon sa hukay." sabi nya habang nakatingin sa puntod ni Tristan.

"Alam mo naman kung gaano kasaya si Tristan kapag sinasabi o pinaparamdam mo sa kanya na tanggap at gusto mo syang maging kapatid." dagdag pa ni Muriel. "Parang napiping bading ito na hindi makapagsalita.. Hahaha, nakakamiss rin pala 'tong tao na to.." napahikbi na naman sya. I gave her a friendly hug. Mas lalong lumakas ang bawat hikbi nya.

"Alam mo ba Muriel, nung araw na maaksidente kami? Sinasabihan sya ni Alliyah na ligawan ka.. Plano na nga rin ni Tristan yun eh, naudlot pa.." sabi ko.

"Paiyak ka naman eh.. S-Sayang.. A-Ang plano ko pa.. pa naman.. Aamin ako.. Pag nakarating na kami sa RK.."

Kinuwento nya sa akin yung nangyari. I don't mind listening to her for hours. I want someone to talk to. Because I know I've been cold since the accident.

Nerd into a Princess 1 & 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon