Chapter 39

37 0 0
                                    

...

"Ley, pwede.. Matulog ka na." saway ko kay Ley na kanina pa dinudutdot ang bewang ko.. Pinapatulog na niya ako. Imbes na siya ang nagsasaway, ako pa talaga. Nag-aaral ako.

"Baby, let's sleep together.. It's already 2 am. I'm sleepy!!"

Napakamot ko ang kilay at sinamaan siya ng tingin. Napatingin ako kila Seah at Sir Cath na tulog na tulog na..

"Ano ba naman kasi 'tong buset na 'to." bulong ko.

Oo, alam ko..

Nagkabalikan na kami ni Ley..

May magagawa ba ako?

Wala rin naman.

Hindi ko na din kayang mapalayo pa sakaniya lalo na't nagsusunod-sunod na ang mga colleges na pumoporma sakaniya at hindi ko hahayaan 'yon.

"Baby, dali na.."

Napabuntong-hininga ako at iniligpit na ang gamit ko. Kaagad akong humiga sa tabi niya at kinumutan pa siya. Napahinga ako ng malalim at tinapik-tapik ang balikat niya.

Dahan-dahang pumikit ang mga mata niya at tuluyan na ngang nakatulog. Napatitig ako sa mukha niya. Kusang umarko sa pagngiti ang labi ko at kusa na ring umangat ang kamay ko para haplusin ang pisnge niya.. Nakagat ko ang dila habang pinaglalaruan ang pilik-mata niya..

Kinabukasan, ako ang naunang nagising sa'ming apat nila Seah.. Napalobo ko ang bibig at naligo muna. Matapos ko namang maligo, ngumiti ako kila Mama at Papa na nagkukulitan habang naghahanda na ng aalmusal-in namin, pagkapasok ko sa kwarto. Gising na yung dalawa, ngumiti sila at bumati sa'kin..

Umupo ako sa study table at tumingin kay Ley na tulog parin.

"Ate, pwede pahingi ng sticks?" si Seah..

"Para saan??"

"Sa activity mamaya kay Miss Jaize."

"Oh." abot ko ng sticks matapos kong kuhanin 'yon sa maliit na drawer, ngumiti siya at tinago na 'yon sa bag niya, tumango ako kay Sir Cath na ngumiti sa'kin.. Napabasa ko ang labi at tinabi ang upuan ko sa ulunan ni Ley..

"Ley, gising na. Mala-late tayo.." marahan kong sabi..

Hindi siya umimik at nanatiling tulog, tumingin ako kay Sir Cath na napapatawa ng mahina.

"He's a sleepy head, Valedictorian.. It's hard to wake him up,"

"Ah, talaga?"

"Yes,"

"Edi ikaw na ang mas nakakakilala sakaniya. Ikaw na lang kaya girlfriend niya."

Napasimangot siya. "Stop it, Shai.."

"Kung makapang-asar ka d'yan. Paluin kita d'yan, eh.."

"Ang attitude mo naman.."

"Oo. Dati pa.. Hoy, 'SLEEPY HEAD' gising na!"

Napapikit ako saglit nang hindi parin siya gumigising kaya kaagad kong hinawakan ang ilong niya at pinihit 'yon..

Napapigil ko ang tawa at agad na tinanggal ang kamay ko nang agad siyang tumayo at habol ang hininga na napalingon sa'kin, hindi ko siya tinignan at nagkunwaring inaayos ang relo ko.. Narinig ko naman ang pagpipigil ng tawa nila Sir Cath dahilan para mapaiimpit 'yon.

"W-who did that?"

Agad akong lumingon sakaniya at napakunot ang noo..

"Huh?"

"Somebody pinch my nose.."

"Sinasabi mo d'yan?"

"I swear, Baby.. "

Love Has No AgeWhere stories live. Discover now