Chapter 32

25 2 0
                                    

Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang nakatitig kila Seah at Sir Cath. Magkatabi silang dalawa at hindi man lang magawang mag-usap..

Napatingin ako sa mga kamay nila na nasa likod nila, nakatago. Mas napangiti ako nang makita kung paano maghawak ang kamay nilang dalawa, napatakip ko ang mukha at napatingin kay Papa na ngiting-ngiti habang kinakalas ang Lumpia wrapper, gagawa si Mama ng cheese sticks.. Para siyang ewan na hindi mo maintindihan, sino bang hindi mawi-wirdohan sakaniyaa, eh halos magmukha na siyang baliw kakangiti.

Matapos naming sabihin ni Sir Cath na hindi na siya manliligaw sa'kin, nagpaalam naman siyang manliligaw kay Seah pero hindi pa ngayon! Dahil pinag-usapan na namin iyong dalawa.

Pero grabe din kasi ang trip niyan ni Papa, ipaparamdam niya talaga kay Sir Cath na mainip siya sa sobrang ngiti niyang tila kinikilig ba ewan.

Nakangusong tumingin ako sa cellphone ko nang magring 'yon, napangiti ako at agad sinagot 'yon..

"[Ate Shai??!!! Ate Shai?!]"

"Hi, Shirinaa! Namiss ka ni Ate!!!"

"[Huhuhuhu!! Miss na din po kita, Ate!]"

"Kamusta sila Lola at Lolo mo d'yan?"

"[Hmm.. Masusungit po sila pero kapag nakikipaglaro sa'kin, makulit!]"

"Mabuti naman, wala ka bang ginagawa ngayon?"

"[Wala po. Nakakaboring nga po, eh.. Sa totoo lang po, miss ko na sila Papa at Mama..]"

Napatigil ako at napatingin kay Papa na nawala ang tingin, halatang nakikinig sa mga sinasabi ko. Siguro, nalungkot siya nung marinig niyang si Shirina ang kausap ko..

"T-talaga?"

"[Opo. Lalo na po si Kuya Sean..]"

Napangiti naman ako lalo..

"[Miss na miss ko na po si Kuya Sean kahit po minsan galit siya sa'kin. Miss ko na din po yung pagma-make-up sa'kin ni Ate Seah. Lalo na po yung paglalaro namin nila Papa at Mama..]"

"B-bakit? Nasaan ba ang lola't lolo mo ngayon?"

"[Nasa tarbaho po..]"

Napangiti nanaman ako nang mabulol siya..

"Eh, sinong kasama mo ngayon?"

"[Yaya po.]"

"Ha? Nasaan si Papa mo?"

"[Hmmm. Luluto po ng pagkain ko.]"

"Aigooo! Okay lang 'yan, Shirina ah? Sa susunod, dadalaw ako d'yan sa inyo. Lalaro tayo, ha?"

"[Talaga po, Ate?!]"

Agad na sumilay ang haplos sa dibdib ko na para bang kinikiliti ako nang sobra dahil bakas ko na ang saya sa tono niya.. "Mm!! Pangako 'yan!"

"[Salamat, Ate!!]"

"Walang anuman, Shirina. Basta, kapag inaaway ka ng Papa mo, sabihin mo lang sa'kin. Iuuntog ko siya sa muscle ko!"

"[Opo!!]"

Pagkababa ng tawag, napatikom ko ang bibig at napatingin kay Sean na nakatulala lang habang nagkakalas din katulad ni Papa. Alam ko, kahit palagi silang nag-aasaran ni Shirina, close silang dalawa. Nakita ko sila noon dalawa silang naglalaro ng Mobile Legends. Nakakaenganyo silang tignan, magkamukhang-magkamukha pa..

Kinabukasan..

"So, you and Sir Cath are..."

"Friends." tango ko kay Oliver, napatango-tango siya..

Love Has No AgeWhere stories live. Discover now