Chapter 15

29 2 0
                                    

"Bakit namumula 'tong kamay mo, Mah friend?!"

Napa-irap ako kay Riya na binubungangaan na ako.. Nakatanggap na nga ako ng sermon kay Mama kanina pagkauwi ko palang, eh.. Siya rin?

Nakamot ko ang batok at pinagmasdan siyang tumakla at binalik ang pokus niya sa script at libro.. May quiz daw kasi sila bukas, meron din daw siyang mahabang lines na sasabihin sa pabula nila..

Ayaw niya na 'atang iwan ang pag-aarte niya.

Nagpaalam muna ako sakaniyang pupunta sa loob ng kwarto niya para umihi. Ngumuso ako at tinignan ang buto ng kamao ko..

Pulang-pula nga..

Napangiwi ako at naghugas na ng kamay. Napapakagat pa ako sa labi dahil talagang masakit siya. Buto!

Pagkalabas ko, napasinghap ako nang makita si Kuya Louie na nakatayo sa harap ko.. Napatingala ako sakaniya na pinanliitan ako ng mata at dahan-dahang bumaba sa kanan kong kamay..

Agad kong tinago sa likod ko 'yon at ngumiti lang ng tipid. Aalis na sana ako nang pigilan niya ako gamit sa paghatak ng kwelyo ng t-shirt ko. Gulat na tumingin ako sakaniya na matalim ang tingin sa'kin..

"Bakit namumula 'yang kamay mo?" pigil ang galit na sabi niya.

Napalunok ako at parang biglang umatras ang dila.. Kinakabahan tuloy ako! "W-wala po, Kuya.."

Mas sumama ang tingin niya na ipinagtaka ko..

May nasabi ba akong mali?

"Tell me.. the truth."

Naitikom ko ang bibig at napatitig sakaniya. Blangko parin ang mukha niya at hindi parin naiaalis ang napakasama niyang tingin, hindi ko alam kung anong dahilan niya para samaan ako ng tingin at nakakatakot 'yon.

Napakalapit ng mukha niya sa mukha ko, at pakiramdam ko naiipit na ang hininga ko dahil sa kaba. Amoy na amoy ko ang amoy ng hininga't amoy ng katawan niya isa 'yon sa umiipit ng hininga ko..

"Shirina Ai.."

Nakaramdam kaagad ako ng kilabot nang banggitin niya ang dalawang pangalan ko..

"W-wala nga po-KUYA LOUIE!" gulat kong sabi nang isandal niya ako sa pader at idikit ang katawan sa'kin..

Binitawan niya ang kwelyo ko at sinandal ang kanan niyang palad sa isa sa gilid ng ulo ko..

Napalunok ako nang ilapit niya ang mukha sa'kin dahilan para bumilis ang paghinga ko dulot na rin ng paglakas ng tibok ng puso ko.. Hindi ko inaasahang gagawin niya 'to, pakiramdm ko sinampal ng ilang beses dahil sa init ng mukha ko at nakakahiya 'yon..

"Sabihin mo, Shirina Ai. Kung ayaw mong magalit ako ng tuluyan."

Sa kalmadong paraan niya sinabi 'yon pero parang kiniliti ang katawan ko.. Ewan ko kung bakit gano'n ang naging reaksyon ng katawan ko.

Lumunok muna ako at binasa ang labi, napatingin siya doon at tinaas ng mabilisan sa mata ko. "N-nanapak po ako."

"Saan?"

"S-sa.. High school building."

"Sino ang pinunta mo do'n."

"B-balak ko po sanang dalawin s-si Seah p-pero napadaan na ako kila Sean. K-kaya siya na lang ang d-dinalaw ko tutal wala naman na si Seah sa r-room niya."

"Then?"

"Nakita ko.. yung Dino saka yung barkada niya n-na inaasar si Sean n-na kesyo bakla dahil nanlambot p-pagdating s-sa'kin. Kaya sa inis ko, s-sinapak ko siya.."

"Eh, bakit namula ng gan'yan ang kamay mo?!"

"A-ang tigas po k-kasi ng mukha."

Pinanliitan niya ako ng mata at lumayo na sa'kin.

Love Has No AgeWhere stories live. Discover now