Chapter 16

33 2 0
                                    

"Pasensya ka na, Oliver, Riya.. Hindi kasi siya kumakain, eh. Wala din siya sa tamang pag-iisip, palaging nakatulala. Hindi ko naman alam kung anong dahilan dahil hindi siya nagsasabi. Pasensya na talaga sa abala, ha?" rinig kong sabi ni Mama..

Mag-isa lang akong nakahiga sa kwarto, nakatalukbong ng kumot ang katawan ko pero ang mukha ko ay hindi. Sa sobrang pag-iisip ko kay Trace hindi ko na napansing sabado na ngayon..

Parang hindi ko naramdaman ang sarili ko. Pakiramdam ko nakaramdam ako ng manhid sa katawan ko.. Lumabas ang kaluluwa ko sa katawan ko, 'yon lang ang naiiisip ko ngayon.

Narinig kong bumukas yung pintuan, naramdaman ko ring may umupo sa harap ko at sa likod ko, napatingin ako doon sa harap ko..

"Shai, ano bang problema?" si Riya..

Pakiramdam ko gusto nanamang lumuha ng mata ko habang nakatingin ako sa mata niyang punong-puno ng pag-aalala, inalalayan ako ni Oliver umupo at sinandal ang likod ko sa bakal.

Bumuntong-hininga ako at tumingin kay Riya nang hawakan niya ang kamay ko.

"Sabihin mo na kasi, Shai.. Ano bang problema?"

Tinikom ko ang bibig ko nang maramdaman ang pamamanhid ng mukha ko, nagbabadya na ang luha ko. Agad kong kinuha ang kamay kay Riya at tinakpan ang mukha ko't doon umiyak. Hindi ko talaga magawang makapagsalita sakaniya, hindi ko magawang makwento.

"Shai naman, eh.. Sabihin mo na sa'min, para naman matulungan kita.."

Pinakalma ko ang sarili at pinunasan ang mata ko pero kahit anong gawin kong punas doon ay may kapalit na sunod-sunod na butil 'yon kaya hinayaan ko na lang..

"N-nakita ko si Trace.."

Napatigil si Riya at napatitig sa'kin. Kinagat ko ang labi at tumingin sa mata niya..

"R-riya.. bumalik si Trace."

Agad na niyakap ako ni Riya na siyang mas ikinaluha ko. Napayakap din ako sakaniya at napapikit.. Habang nararamdaman ko ang mga haplos at tapik niya sa likod ko, parang pakiramdam ko napapakalma ako non. Bukod kay Oliver, nararamdaman kong may sandalan ako kapag may problema ako, si Riya.. Si Riya ang isa sa mga taong kaya kong kapitan sa twing nagluluksa ako at umiiba ang pakiramdam ko. Handa siyang damayan ako sa bawat hakbang at lungkot na kakaharapin ko. Kaya laking pasasalamat ko't naging kaibigan ko siya.

"Hussh. Tama na, Shai.." pagpapatahan niya.

Naghintay ako ng ilang minuto hanggang sa maubos na ang luha ko, sinapo ni Riya ang pareho kong pisnge at ngumiti. "Hindi ka dapat umiiyak sa gagong lalaking 'yon, Shai.. Ako lang dapat ang iniiyakan mong gaga ka!"

Napatawa ako ng mahina at tumingin kay Oliver na nag-aalalang tumingin sa'kin, ngumiti ako..

"Who's trace?"

Tinikom ko ang bibig at tumingin kay Riya na bumuntong-hininga.. Tumingin ulit ako kay Oliver at huminga ng malalim. "Siya yung.. First love ko,"

Napatigil siya at napa-iwas ang tingin sa kung saan. Napalunok ako nang makita ang bumabakat na buto niya sa panga pati ang mata niyang nanliliit, para bang nagbabalak ng sumugod kahit ano mang oras..

Huminga siya ng malalim at tumingin sa'kin.. Nagulat ako nang sapuin niya ang pareho kong pisnge katulad ng ginawa ni Riya.. "Riya was right. Don't cry for that bastard, Shirina.. " seryoso niyang sabi at hinalikan pa ang noo ko na ikinaawang ng labi ko dahil hindi ko inaasahan 'yon. "He doesn't deserve your diamond tears.."

Napatitig ako kay Oliver dahil talagang seryoso siya. Binitawan niya ang pareho kong pisnge at inirapan si Riya..

Napangiti ako ng tipid dahil may humaplos sa puso ko, siya lang ang nakapagsabi sa'kin ng ganoon. Walang sinoman ang nakapagsabi sa'kin non. Siya lang.

Love Has No AgeWhere stories live. Discover now