Chapter 29

30 2 0
                                    

Hindi magkandaugaga ang katawan ko kakaikot sa kama, hindi na ako makapag-isip ng tama dahil doon sa sinabi ni Kuya Louie sa'kin. Sinabi niyang liligawan niya ako? At ano? May gusto siya sa'kin? Kung kay Sir Cath palang, kumakalabog na ang dibdib ko, paano pa kaya sakaniya na talagang napakalakas ng epekto para sa'kin..

"Ahhhhh!! Nababaliw na 'ko!!!" sigaw ko at umikot-ikot lang sa kama hanggang sa.. "AH! ARAY!" sigaw ko nang mahulog ako sa kama, napahawak ako sa pwetan ko at ngumiwi..

Ang sakit..

Napatingin ako sa pinto nang may kumatok doon, dahan-dahan akong tumayo at binuksan 'yon. Bumungad sa'kin si Mama na nakangiti habang pinipigil ang kilig, napakunot ang noo ko..

"Bakit, Ma?"

"Bakit ba gan'yan ang itsura mo riyan? Maligo ka nga!"

"Bakit naman, Ma?! Ayos na 'ko sa gan'to, may aircon naman, hindi ako makakramdam ng lagkit, hehehe!!"

"Maligo ka! Ang baho mo, oh! Tapos, ano 'yang damit mo? Wala kang suot na panloob?"

"Oh, bakit? Tayo-tayo lang naman po anng nandito, okay na 'yan."

"Maligo ka na, Shai! Nakaboxer ka lang, oh! Dali na!"

"Eh, bakit ba? Tinatamad ako.."

"Maligo ka na!! Nako! Talaga!"

Napasimangot ako at kinuha na yung twalya ko. Tamad at uungot-ungot na naglakad ako sa kusina, uminom ako ng tubig at tumingin kila Sean na napapangangang nakatitig sa'kin.. "Oh, bakit? Para kayong nakakita ng multo, ah.."

Napakunot ang noo ko nang ituro nila ang sala. Takang tumingin ako doon at napalaki ang mata nang makita si Sir Cath at Kuya Louie na nakaawang ang mga labi nila habang napapaiwas ang mga tingin.

Napatingin ako sa ayos ko at nappapikit saglit at tinakpan ng twalya ang dibdib ko. Mabilis na pumunta ako sa cr at nagsimula ng maligo. Napasimangot ako at nagkunwaring umiiyak dahil naaalala ko yung kanina..

Dapat nakinig ako kay Mama, eh.. Huhuhu!!!

Matapos kong maligo, tumingin ako sa sabitan ng twalya at kinuha yung twalya ko. Napakunot ang noo ko nang makitang wala doon ang damit ko. Napalunok ako at sumandal sa pader..

"Shai!!! Nakalimutan mo yung damit mo!!!"

Ayaw ko sanang lumabas ng nakatapis lang ng twalya ang katawan ko dahil nasa labas yung dalawa pero anong magagawa ko? Hindi naman pwedeng maghintay lang ako ng maghintay dito.. Kagat ang labing lumabas ako at hindi pinasadahan ng tingin sila Kuya Louie.

Napasimangot ako nang makita ang mapanuksong tingin ni Papa habang pigil-pigil niya ang ngiti.. Agad akong pumasok sa loob ng kwarto at nagbihis na.

Dahil nahihiya na akong magsuot ng maikling short. Nakasuot na ako ngayon ng Grey na jogger at puting t-shirt.

Ngumiti ako kay Shirina na nakaupo na sa study table ko habang hawak-hawak niya ang isang libro. Pinagmasdan ko siyang tumango-tango habang napapabuka ang bibig, ginagaya ang mga naksulat doon. Agad kong itinuyo ang buhok at sinuklay matapos patuyuin.

Napabuntong-hininga ako at napanguso habang nakatitig sa kamay ko. Parang pakiramdam ko, naramdaman ko yung paghawak ni Kuya Louie do'n. Nung una ay malamig ang kamay niya, siguro sa lamig ng Baguio pero habang nagtagal, uminit 'yon na ikinaginhawa ng damdamin ko.

"Shai." tawag ni Mama at binuksan ang pintuan.

"Ma.."

"Ano pang ginagawa niyo ditong dalawa? Kakain na ng tanghalian.."

Love Has No AgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon