Chapter 20

35 1 0
                                    

"Riya, stop texting.."

Pinagmasdan ko yung dalawa na mag-away. Kahapon lang, eh, naghaharutan pa 'yan.. Ngayon tignan mo, parang mga tangang nag-aaway. Dahil breaktime namin, pumunta kami dito sa isa pang court..

Nakaupo kami sa mga sementong upuan at napapagitnaan ng bilog na sementong lamesa, medyo tirik ang araw dahil maaga-aga pa naman, mabuti na lang may malaking payong na humaharang sa ibabaw namin. Inayos ko ang mga libro ko at pati ang mini fan ko.

"Riya!"

"Ano ba, Oliver! Chinachat ko pa yung boyfriend ko!"

"Uh-huh? As if you have."

Agad na kinurot ni Riya si Oliver na napadaing.. "Ayaw kasi niyang mag-online. Ang sabi niya mag-uusap daw kaming dalawa ngayong oras tapos wala naman.. Psh!"

Napa-ikot ni Oliver ang mata at nangalumbaba na tumingin sa'kin. Ngumiti lang ako at bumalik sa pagbabasa ko.

Hindi naman 'to kasama sa mga subjects pero dahil nga nangangati ang mata ko at sabik na magbasa ng libro, ito na lang ang kinuha ko sa Library.

Tungkol 'to sa mga Facts about Love. Hindi naman ako mahilig sa mga ganoong topics, dahil wala naman akong karanasan doon.

Paano nga ba malalaman kung may gusto na sa'yo ang isang tao?

Napakunot ang noo ko nang mabasa 'yon..

Paano nga ba?

Sa twing tumitingin sa'yo ang isang tao, pakiramdam mo.. Kumikislap 'yon na parang bituin. Madalas napapansin ng ibang tao ang mga ganito. Kaya nga sinasabi nila, Bakit gano'n ang titig niya sa'yo? Parang nakatingin siya sa pinakamaganda/pinakagwapong nilalang. Pero ikaw naman 'tong tatanga-tangang manhid na pilit itinatanggi..

Napasimangot ako nang mabasa 'yon.

Napatigil ako sa pagbabasa at napatingin sa mga estudyanteng natatarantang tumatakbo papunta sa kung saan, napatingin ako kila Oliver na nakatingin lang din sa mga estudyanteng tumatakbo..

Anong meron?

Tumingin ako sa isang babae at tinawag siya, napatingin siya sa'kin at lumapit..

"Ah, sorry kung nagulo kita.. Pero pwede magtanong?"

Tumango siya at tumingin sa'kin. "Sige sige.."

"Bakit tumatakbo kayo?? Saan kayo pupunta??"

"Nagpatawag kasi ng announcement si Principal, sa gymnasium. Hindi niyo ba narinig yung announcement??"

"A-ah.. Pasensya na. Salamat."

Tumingin ako kila Oliver at tumango na, inalalayan ako ni Oliver na tumayo at kinuha ang librong binabasa ko. Kinawit ni Riya ang braso sa'kin at naglakad na. Minsan lang kung magpatawag ng announcement si Miss Gonzales, Mahalaga din yung announcement niya. Nang makarating sa gymnasium napakarami ng tao doon, buti nakahanap kami ng magandang pwesto doon sa medyo malapit sa stage..

Agad kong nahagip ang mukha ni Kuya Louie na seryoso ang mukha, nakadikwatrong babae habang magkakrus ang mga braso.

Agad na inalalayan si Miss Gonzales papaakyat sa stage, kinuha niya yung mic at ngumiti sa lahat.

"Good morning, Students!"

"Good morning, Miss Gonzales.."

"Alam ko lahat kayo ay nagtataka kung bakit ako nagpatawag ng announcement. At alam niyo ding hindi ako nagpapatawag ng announcement nang hindi naman mahalaga ang sasabihin. Well, bago pa kayo mainip, gusto kong sabihin sa inyo, ang dating pinakamagaling na propesor sa female professors.. Do you want to know who is the professor??"

Love Has No AgeWhere stories live. Discover now