Chapter 25

31 2 0
                                    

Hindi ko maiwasang mapatitig kay Sir Cath na nandito sa bahay ngayon, kasama kong nag-aaral. Naisipan niya daw kasing sumabay na din sa'kin dahil wala naman daw siyang gagawin sa bahay nila. Wala rin naman akong magawa at bored din ako, kaya pumayag na ako.

Napatingin naman ako kay Kuya Louie na kinakausap si Shirina na nakangiti at tumango-tango, sa harap nila, si Sean na nagsusulat at nag-aaral rin.

Maraming pinagbago si Sean, palagi na rin siyang nakatutok sa pag-aaral pagkatapos niyang maglaro ng video games. Hindi ko naman inaasahan na, gan'yan ang magiging bunga ng pagsermon ko sakaniya noon. Kaya nga, minsan naiisip ko. Dapat pala dati ko pa nalaman yung pagtulog niya sa klase at paglaro ng games. Para matagal ko na rin siyang nasermonan. Pero, ayos lang, hehe.. At least, naging okay na siya..

"Hey, Valedictorian.. Are you done??"

Agad akong napatingin kay Sir Cath na nagsalita, ngumiti ako ng tipid at umiling.. Malapit-lapit na rin ang examination namin at kinakabahan ako dahil do'n. Hindi ko kasi alam kung anong gagawin ko, syempre. Habang tumataas ang level ng papasukan ko. Pahirap din ng pahirap ang mga examination. Ang pinakamataas pa namang points sa SRSPC ay yung exam. At kapag bumaba ang score ko do'n, uulit ako..

Umiling-iling ako at nangalumbaba habang kinakabisado ang mga notes ko.

"Ate Shai??"

Napalingon ako sa tumawag sa'kin. Si Seah.. "Ikaw pala, Seah.. Bakit??"

Tinikom niya ang bibig at umupo sa tabi ko. "Pwedeng paturo ako kung paano 'tong Electron configuration. Hindi ko kasi magets, eh.."

Kinamot ko ang pisnge at akma ng magsasalita nang magsalita na si Kuya Louie, sabay-sabay kaming napatingin sakaniya..

"I can teach you.."

"Talaga, Kuya?!"

Tumango-tango naman si Kuya Louie.. Sumulyap si Seah kay Sir Cath na tumingin lang sakaniya. Napangiti ako nang parang bata siyang tumabi kay Sean at nagpaturo kay Kuya Louie.

Bukod sa English ang hinahawakan ni Kuya Louie, Science din ang hinahawakan niya para sa high schools.. Kaya nga dati nung mga una kong pasok noon sa SHS tapos siya ang naging Math teacher, kinabahan ako ng sobra dahil alam kong masungit at mahigpit si Kuya Louie padating sa pagtuturo..

"I can see your face on Shirina's face, Valedictorian.." napatingin ako kay Sir Cath, nakatitig siya sa'kin. At tinignan si Shirina.. "When ai first saw her, I thought she's you. I think, she's your kid version."

Kumunot ang noo ko pero nanatiling nakangiti ang labi ko. Hindi naman na kasi bago 'yon. Sa twing sinasamahan ko si Mama para magsampol kasama si Shirina, bawat makakasalubong naming tao, tinatanong kung kapatid ko daw ba si Shirina o Pamangkin.. Kamukhang-kamukha ko daw kasi. Eh ang ipinagtataka ko lang naman, bakit naman ako lang ang sinasabihan nila ng gano'n.

Bakit kapag sila Sean ang magkakasama hindi naman masyado. Magkakamukha kaming magkakapatid, kaya dapat pati sila Sean sinasabihan din ng mga gano'n..

"Are you sure you're not related with Shirina?"

Umiling kaagad ako at nangalumbaba.. "Sir, sure po ako. Nakita ko lang talaga si Shirina sa tabi ng kinakainan naming lugawan ni Oliver noon. Eh, naawa naman ako dahil nga nasa tatlong taong gulang palang siya non. Nakakalungkot kung hindi ko siya kukupkupin.."

"She has the name as the same as you. She has the same face as you. The actions of her are same as you. So, tell me. Is it coincidence or you're related to her?"

Napabuntong-hininga ako at napatingin kay Shirina na tahimik lang na nakatingin sa libro. Alam ko namang hindi niya pa kayang magbasa, katulad ng nakaraan. Masyado pa siyang bata para matutong magbasa pero nagawa niyang basahin ang ibang salita doon. Napapaisip ako, may koneksyon nga ba si Shirina sa'kin, o sadyang nasa kaniya ang iba kong kilos at pangalan? Magaan ang pakiramdam namin nila Papa kay Shirina.

Love Has No AgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon