Chapter 09

33 3 0
                                    

...

"Teka, teka.." agad kong pigil kay Oliver nang akma niya na akong papapasukin sa loob ng kotse niya..

"Why?"

"Sasabay kasi si Sir Cath sa'tin.."

Tumingin siya sa paligid at sumandal sa kotse niya.. Huminga ako ng malalim ng makita ko si Kuya Louie na kasama si Riya na tumingin sa'kin at ngumuso, naiiyak na..

Nangibit-balikat na lang ako at sumulyap kay Kuya Louie na tumingin sa'kin at sa gilid niya..

Tumingin rin ako doon at napalunok nang makita si Sir Cath na nakatitig sa'kin.. Para akong inaatake dahil dalawa pa silang nakatitig sa'kin..

Sila lang yung mga professor na talagang nagpapakaba sa akin, pareho kasi silang suplado..

"Let's go.."

Tumikhim ako at tumingin kay Sir Cath na nasa harap ko na.. Binuksan ni Oliver ang back seat at nalalayan akong pumasok doon, pati si Sir Cath pero sa tabi siya ng driver which is si Oliver..

Tinanggal ni Oliver ang suot niyang blazer na blue na akala ko ilalapag niya lang sa tabi ko.. Tumayo siya sa upuan at dahan-dahang inilagay sa hita ko 'yon..

Ngumiti ako at pinagmasdan siyang mag-drive na lang..

Iba-iba kasi ang uniform ng mga colleges. Kapag 3rd year ay polo blouse na at pencil skirt na hanggang ibaba ng tuhod, pero minsan ay umaangat kapag umuupo..

"Tomorrow is the picture taking for your ID's---ah, no.. sa susunod na araw pa pala.."

Napalingon ako kay Sir Cath na tumingin sa'kin galing sa rear mirror..

"Anong oras po ba 'yon?"

"My class. You're the first."

"Sige po.."

Nanahimik na lang ako at tumingin sa daanan.. huminga ako ng malalim at naghintay pa ng ilang oras hanggang sa makarating na kami sa Pure Gold..

Nang Starmall.. Kumuha ako ng malaking lalagyanan. Si Sir Cath naman saka si Oliver yung saktong basket lang.. nagsimula na kaming maglakad pupunta sa mga noodles section..

Kumuha lang ako ng sampung pancit canton na kalamanci flavor. Kumuha rin ako ng sampung pancit canton na sweet & spicy..

Napahinto lang ako nang mag-ring ang cellphone ko, si Mama..

"Hello, Ma?"

"[Nasaan ka?]"

"Nasa Pure Gold po, Ma.."

"[Nag-grocery ka ba?]"

"Opo.. Ano pa po ba yung kulang d'yan??"

"[Wala na tayong mga chichirya, 'nak..]"

"Sige po.."

Pagkapatay ng tawag, tumingin agad ako kila Sir Cath na busy parin sa pamimili..

Kaya pasikreto akong pumunta sa mga chichirya at kinuha kung ano mang paborito naming kainin nila Mama, madalas kasi kaming mag-movie marathon at hindi kami sanay ng walang chichirya habang nanonood..

Kumuha din ako ng mga soft drinks lalo na yung coca cola.. Syempre, yung mga gummy bears para sa'min ni Shirina. Alam ko sa mga bata, mahilig sila sa mga candies.. Halos mapuno ko na yung malaking lalagyanan sa dami kong binili, pati kasi Bear Brand at Milo kumuha rin ako, yung mga malalaki..

"Shirina, kaya mo bang bayaran 'yan?" napalingon ako kay Oliver na nasa tabi ko na.. Tumango-tango ako.. "Really?"

"Yep. Nagpadala sa'kin si Tita Lani, yung titaninang ko sa ibang bansa.. Kaya naisipan kong mag-grocery, alam mo na.. nadagdagan kami ng isa pang bata.."

Love Has No AgeWhere stories live. Discover now