Chapter 12

33 2 0
                                    


Dalawa kami ni Oliver na gumagawa ng props ni Riya para sa gagawin na pabula niya next month. Kailangan kasing maggawa kamay na props para daw sa recycle project ng theater team.. hindi ko nga alam kung ano ng ginagawa ni Riya sa bahay nila, at hindi niya magawa-gawa 'tong mag-isa. Ako nga nung mga elementary may mga project kami na dapat gumawa ng sarili naming gamit para sa bahay gamit lang mga plastic bottles at tansan, oh..

"Miss Riya, punta na raw po kayo sa stage.. magsisimula na daw po yung practice.." ani ng taga-alalay ni Riya.

Tumango si Riya at kumindat muna kay Oliver bago maarteng naglakad papunta sa stage.. Tumingin ako kay Oliver na napa-irap ng palihim at nagpatuloy sa pagtulong sa'kin..

"Bakit?" tanong ko, napatingin siya sa'kin at bumuntong-hininga..

"That Riya has done enough.."

"Huh? Bakit?"

"She's been flirting me for the 2 weeks straight and I don't like that. It feels weird."

Napatawa ako ng mahina.. "Baka naman, naa-attract ka na sa kaibigan ko?"

"That's not funny." bugnot niyang sabi, napatawa ako lalo..

"Seryoso, Oli.. Na-attract ka ba kay Riya nung makita mo siya?"

"I'm not sure.."

"Bakit naman? Alam mo, Oliver.. Kahit gan'yan 'yan si Riya na medyo may pagkamagaslaw! Mabait 'yan, 'no.."

Napailing-iling siya.. "I don't think so.."

"Yes, OLI!" diin ko, napangisi siya.. Tumingin ako kay Riya na tumatango-tango habang nakikinig sa director at leader nila.. "Alam mo ba, si Riya.. parang ikaw.."

Kita ko sa gilid ng mata ko kung paano tumitig sa'kin si Oliver.. Tumango-tango ako..

"Noong una ko siyang makita.. Tahimik lang siya at walang kaibigan. Katulad ng pagkikita nating dalawa, nag-iisa lang siya.. Mahal ko si Riya dahil siya ang taong hindi kailanman ako iniwan kahit na sawing-sawi ako do'n sa lalaking una kong minahal.." ngiti kong kwento.. "Oo, aaminin ko na napakakulit niyan ni Riya at napaka-alam mo na.. May pagkamalikot. Pero kapag seryosohang usapan na at nadadamay na ako sa mga usap-usap.. sumeseryoso na siya! Natatandaan ko pa noong inaasar ako ng mga kaklase namin nung elementary. Weirdo daw ako dahil sa salamin ko.. Alam mo ba kung anong ginawa niya?" tanong ko at tumingin kay Oliver..

"What?"

"Sinigawan niya yung mga nang-aasar sa'kin at tinago ako sa likod niya.. Hindi lang basta kaibigan ang turing ko sakaniya, Oliver.. Kapatid. Kaya ang tangi kong hiling ay magkaroon siya ng lalaking hindi siya sasaktan at mamahalin siya higit sa pagmamahal ko sakaniya bilang kaibigan niya.."

Napangiti si Oliver at tinapik-tapik ang ulo ko. "You're a good friend, Shirina.."

Napatawa ako at pinalo siya ng mahina.. Tatawa-tawang nagpatuloy na lang siya sa paggawa, tumitig pa ako saglit kay Oliver at nagsimula na ding magpatuloy sa paggawa..

Nagpaalam muna kami kay Riya na bibili ng tubig dahil narinig kong tumitikhim-tikhim si Oliver.. "Shirina, you don't need to do this.." komento ni Oliver habang nauna akong maglakad papunta sa canteen..

"Tara na! Alam ko namang nauuhaw ka, eh.."

"Shirina—"

Agad kong nilagay ang palad ko sa bibig ni Oliver para manahimik siya, gulat na tinignan niya 'ko.. "Tahimik na, Oliver.. Hindi mo 'ko mapipigilan, okay?"

Pagkaalis ko ng kamay ko, agad na akong pumasok sa pinto ng canteen at tumakbo sa counter.. "Tatlong bottled water, Kuya."

"Malamig o Maligamgam??"

Love Has No AgeWhere stories live. Discover now