Chapter 14

29 2 0
                                    

Isang linggo na ang nakakalipas. Hindi ko parin magawang pansinin si Sean. Kahit pa lumalapit siya sa'kin ay hindi ko na siya pinapansin.. Wala pa akong oras para harapin at kausapin siya hanggang sa hindi nya inaayos ang sarili niya.. Hindi ko siya papansinin hanggang sa hindi nya magawang ayusin ang pag-aaral niya..

Napatingin ako kay Sir Cath na nakatitig sa'kin habang hawak-hawak ang libro. Ngumiti ako ng tipid. Sa loob ng isang ilanggo, wala naman ng naganapang away sa pagitan nila ni Kuya Louie.. Siguro nga ay asaran lang nilang dalawa 'yon..

Masyado ka kasing nag-aasyum, Shai! Bawas-bawasan mo kasi ang pagiging asyumera..

Umiling-iling ako at nagpatuloy na sa pagsusulat ng mga kailangan kong aralin para sa exam bukas. Pagkatapos kasi ng exam bukas, mapupunta na kami sa pangalawang yugto.. Yugto daw, luh? 2nd quarter ba..

Ang bilis, 'di ba?

Hindi ko alam kung gano'n ba talaga ang takbo ng College o sad'yang hindi ko lang napapansin dahil sa tutok ko sa pag-aaral ko?

Nang tumunog na ang bell bilang hudyat na lunch na. Agad na nagsitayuan ang mga kaklase ko at nagpaalam na kay Sir Cath, bumuntong-hininga ako at inayos na ang buhok ko, kinuha ko lahat ng libro ko at napangiwi sa bigat non. Hindi naman siya gano'n karami pero kasi may kakapalan ang mga librong 'to..

"I can help you with that.."

Agad na napalingon ako sa nagsalita, si Sir Cath!

"A-ah.. Sir, hindi na po!" agad kong pigil nang ilapag niya sa lamesa ang mga libro ko.

"No, no.. It looks heavy. Girls must rest not holding heavy things."

"Ladies must avoid dangerous boys."

Sabay kaming napalingon sa nagsalita. Napalunok ako nang makitang si Kuya Louie 'yon, Nakalongsleeve lang siyang puti habang nakataas ang isang kilay. Suot-suot niya ang salamin habang ang buhok ay nakataas at may mga maliliit pang hibla ng buhok ang pilit na lumalaylay doon..

At hindi ko na alam kung anong gagawin ko nang akbayan niya ako.. Para akong yelong biglang nanigas dahil doon. Nakita ko kung paano unti-unting binaba ni Sir Cath ang mata niya sa kamay ni Kuya Louie..

"Woman, correction.." si Kuya Louie..

Napaliit ni Sir Cath ang mata.. "What are you doing here, Sir Louie?"

"I'm just visiting Ai."

"It's lunch time."

"I know. That's why I'm visiting her."

"Why? Are you in a relationship with her?"

Nanlaki ang mata ko.

"What do you care if we were in a relationship?"

Masamang tinignan ni Sir Cath si Kuya Louie. "Can you please get out?"

"Why would I?"

Napalunok ako.

Mukhang ito nanaman sila..

Napasinghap ako nang hatakin ako ni Sir Cath sa pulsuhan dahilan para pwersahang mapunta ako sa tabi niya..

"You have no business here, Sir 'Louie'.."

Ngumisi si Kuya Louie at kinuwa ang pulsuhan ko at nilapit sakaniya..

"'YOU' have no business here, Sir 'Cath'" gaya ni Kuya Louie sa sinabi ni Sir Cath pero mas madiin ang sakaniya..

Napadaing ako ng mahina nang hatakin ako pabalik ni Sir Cath..

Nasaan ba si Oliver? Bakit ang tagal naman niya sa detention?! Nagpalet pa kasi, 'yan tuloy! Pinagtutulungan ako ng dalawang suplado dito..

"Pwede bang umalis ka na lang, Louie?! Hindi ako natutuwa sa paglapit mo kay Shirina."

Love Has No AgeWhere stories live. Discover now