Chapter 38

37 1 0
                                    

...

Napahinga ako ng malalim habang humihigpit ang yakap sa isang unan. Ewan ko pero ang bango ng unan ko ngayon. Hindi naman ganito ang amoy pero pamilyar..

Napa-ungot ako at iminulat ang mata. Napakunot ang noo ko at napatingala..

Agad nanlaki ang mata ko nang makita kung sino ang nasa harap ko ngayon, nakangiti siya habang nakatitig sa'kin.

Kaagad akong naibaba ang tingin sa braso ko na nakayakap pala sakaniya, aalisin ko na sana 'yon nang ibalik niya 'yon at yakapin ako..

Napatitig ako sakaniya na yumuko sa'kin..

"What? Aren't you going to greet me?" tanong niya, napakunot ang noo ko.

Hindi naman niya birthday bakit ko siya babatiin?

"B-bakit naman kita babatiin.. B-birthday mo ba??"

Napatigil siya at napatitig sa'kin. Agad na kumalabog ang dibdib ko nang unti-unting umarko ang labi niya sa pagngiti..

Napasinghap ako nang idikit niya ako sa dibdib niya at halikan pa ang ulo ko. Napakurap-kurap ako at pinalo ang likod niya ng mahina..

"Hayy.. How cute you are, Baby.."

Napa-ikot ko ang mata at pwersahang tumayo, inirapan ko siya bago maghilamos ng mukha. Hindi ko naman kasi kinakaya ang mga gano'ng lambingan niya. Dahil una sa lahat, hindi pa kami nagkakabalikan at hindi ko pa alam kung kaya ko pa.

Sa twing nakikita ko yung mukha niya, naalala ko yung nangyari noong nagdaang-araw.

Pagkalabas ko ng banyo, nakaupo na siya sa kama habang nakapalumbaba, napatingin siya sa'kin.

Pinagkunutan ko siya ng noo at sinuot ang salamin kong dinala ko talaga dahil nanlalabo ang mata ko kapag bagong gising.. Napatingin ako sa orasan at napapikit saglit nang makitang hapon na pala..

Gano'n kahaba ang tulog ko.

Hinawi ko ang mga kurtina at binuksan ng kaonti ang bintana para makapasok naman ang hangin.. Pagtingin ko ulit sakaniya, nakatitig parin siya.

"Hoy." tawag ko, tumaas ang dalawa niyang kilay.. "Bumaba ka na. Tulungan mo sila Tita Mildred na maghanda ng tanghalian natin."

"What? I have a work."

"May trabaho ka pala pero bakit may oras ka pang magpakalasing, huh?"

Napasimangot siya at napabuntong-hininga..

"Bumaba ka na matapos mong makapaghilamos. Hindi magandang inaabutan ka ng iilang oras dito sa kwarto."

Pairap na bumaba ako sa baba at ngumiti kila Tita Mildred na pinaupo ako, ngumiti siya sa'kin at umupo sa tabi ko..

"Oh.. Ano, Shai? Nagkabalikan na kayo ni Louie?"

Napatawa ako ng mahina, "Tita, hindi po."

Napasimangot siya at nangalumbaba. "Bakit naman? Hindi ba't nag-mwa mwa chup chup na kayo kagabi sa labas?"

Napasapo ko ang mukha dahil sa sinabi ni Tita Mildred. Ayan nanaman ang init na nararamdaman ko sa pareho kong pisnge, napalunok ako at umiling-iling.. "T-tita naman, eh.."

Napahagikgik siya at tinapik ang ulo ko.

"Alam mo ba, palaging umiiyak 'yang si Louie sa'kin nung naghiwalay kayo.."

Napatigil ako at napabuntong-hininga..

"Akala ko nga.. si Jaize na ang pinakainiyakan niyang babae pero nung naghiwalay talaga kayo, grabe ang iyak niya,"

Love Has No AgeWhere stories live. Discover now