Chapter 21

27 2 0
                                    

Hindi ko nanaman maialis ang tingin ko sa mga mata niyang natitigilang tumitig sa'kin..

Napalunok ako nang maramdamang magkadikit pala ang katawan naming dalawa at nagmumukhang nakayakap siya sa'kin.

Nawala ang mga ngiti niya at pinasadahan ng tingin ang bawat parte ng mukha ko. Ramdma ko ang init ng pareho kong pisnge. Natatakot ako na baka maramdaman niya ang tibok ng puso ko dahil sa dikit ng katawan naming dalawa. Kinakabahan ako dahil baka marinig niya ang lakas ng kabog ng dibdib ko na animo'y tinatambol.

Parang koryente na naghiwalay kami sa pagkakadikit nang marinig ang hiyawan ng mga estudyante sa paligid..

Lumunok ako at sinapo ang isa kong pisnge at nakayukong hinaplos 'yon. Tumingin ako kay Kuya Louie na napakurap-kurap at ipinasok ang mga kamay sa parehong bulsa.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil sa hiya, kitang-kita ko kung paano lumunok si Kuya Louie at mamula ang mukha niya..

Agad siyang umalis nang hindi man lang nagsasabi, napalobo ko ang bibig at pumunta na sa klase ko..

"Hi, Ateee!!!" sigaw kaagad ni Shirina nang makauwi ako ng bahay matapos akong ihatid ni Oliver..

Nagpalit muna ako ng damit at niyakap siya.. "Malayo pa ang pag-aaral mo, Shirina.."

"Oo nga po, eh.. Gusto ko na pong mag-aral."

Yinuko ko siya.. "We?"

"Opo nga! Gusto ko po maging katulad mo, yung napakaraming medal at napakaraming certificate."

"Doon ka ba masaya?"

Tumango-tango siya.. Umupo ako sa kama at saka hinawakan ang mga braso niya.. "Ano bang pangarap mo?"

Ngumiti siya. "Gusto ko po maging isang doktor."

"Bakit?"

"Para po magawan ko ng paraan yung mga maagang nag-aanak na mabuhay pa ng mas matagal para hindi sila matulad sa mama ko po.."

Napatigil ako nang sabihin niya 'yon, hindi ko alam kung saan niya nakukuha ang mga salitang binibigkas niya gayong napakabata niya pa lang. Hindi lahat ng batang kasing edad lamang niya ay nakakapag-isip ng mga ganoong bagay..

"Ayaw ko po kasing matulad yung magiging baby nila sa'kin.. Gusto ko po sila bigyan ng sapat na vitamins at pag-aalaga, para matagal silang mabuhay.."

Napatikom ko ang bibig at napapikit saglit. Nakakamangha't nakakabilib dahil hindi man lang siya nasamid at nabulol habang sinasabi niya 'yon..

"Ah, Shirina.. Nagugutom ka? Tara, miryenda muna tayo?"

Tumango-tango siya.

Pinagmasdan ko siyang naunang lumabas at napabuntong-hininga..

Tumingin ako sa picture namin ni Joy, maliit lang na copy 'yon pero kitang-kita kung gaano siya kasaya doon. Itinago ko 'yon sa libro ko at saka tinago ang libro sa kahon kung saan nakalagay ang mga mahahalagang gamit.. Nilagay ko sa ilalim ng kama 'yon at huminga ng malalim..

Pagkalabas ko, nandoon na silang dalawa ni Sean nag-aaway. Agad kong hinampas sa pisnge si Sean at umupo sa tabi ni Shirina..

"Ate, inaaway ako ni Kuya Sean oh!" turo ni Shirina kay Sean.

Inirapan ko si Sean na nagmake-face kay Shirina. Laging gan'yan 'yang dalawang 'yan. Kung hindi nag-aasaran, nag-aaway. Ayaw ni Sean kay Shirina dahil kumukulit daw sa kwarto niya, minsan pa nga daw na nakipaglaro si Shirina sa kalaban ni Sean sa COD, nainis daw kay Sean dahil nanalo. Eh, hindi naman kasi si Sean yung nagpanalo nung laro, si Shirina. Psh.

Love Has No AgeWhere stories live. Discover now