Chapter 31

26 2 0
                                    

"Ang ganda po ng Mama ko, 'di ba? Joy po ang pangalan niya!"

"Ang ganda po ng Mama ko, 'di ba? Joy po ang pangalan niya!"

"Ang ganda po ng Mama ko, 'di ba? Joy po ang pangalan niya!"

"Ang ganda po ng Mama ko, 'di ba? Joy po ang pangalan niya!"

"Ang ganda po ng Mama ko, 'di ba? Joy po ang pangalan niya!"

Nagpaulit-ulit sa tenga ko ang mga salitang binitawan ni Shirina.

Imposible..

Naramdaman ko kaagad ang pamamasa ng dalawa kong mata at napatingin kay Trace na napapatitig kay Shirina at bigla na lang niyakap si Shirina., halatang nagulat yung bata sa biglaang pagyakap na 'yon ni Trace.

Napapaawang ang labi na tumingin ako kila Mama at Papa na napapatungo.

Napatulo na ang luha ko nang ihiwalay ni Trace ang katawan kay Shirina at sinapo ang parehong pisnge ni Shirina..

Nakagat ko ang labi at napayuko sa mga palad ko..

Hindi ko na kailangan pang hanapin ang anak nilang dalawa ni Joy dahil si Shirina na mismo ang anak nila.

Napatikom ko ang bibig at pinigil ang hikbi ko, pero dahil sa mga nalaman ko ay hindi ko na napigilan pa. rinig na rinig ko kung paano humagulgol si Trace at hindi man lang magawang makapagsalita.

Alam kong matagal na niyang kinasabikan na mayakap ang anak nilang dalawa ni Joy, pati ako. Si Shirina na lang ang nag-iisa naming ala-ala namin kay Joy.. Kaya pala napakagaan ng loob ko sakaniya dahil siya ang anak ng pinakamatalik kong kaibigan, na itinuring kong tunay na kapatid. Kaya pala magkapangalan kaming dalawa dahil ako ang pinaglihian ni Joy. Ang tanga ko, hindi ko man lang napagbuklod-buklod lahat 'yon.

"B-bakit po kayo.. umiiyak?"

Naitaas ko ang ulo ko at tinignan si Shirina na namumula na ang pisnge't ilong, tumulo ang luha niya at tumingin sa'kin..

"A-ate, bakit po kayo u-umiiyak??"

Agad ko siyang niyakap at binuhat.. Narinig ko kaagad ang hikbi niya sa balikat ko at niyakap din ako ng mahigpit.

Tumingin ako kay Trace na nakatitig sa picture ni Joy habang patuloy sa pag-agos ang luha niya. Napahinga ako ng malalim at nang mahimasmasan ay hinarap ko na sa'kin si Shirina, lumuhod ako sakaniya para mapagpantay ang mukha namin, ngumiti ako at sinapo ang pisnge niya..

"Shirina.."

"B-bakit po?" sisinok-sinok niyang tugon..

"Tama ba yung narinig namin?"

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Shirina na si Trace ang tatay niya, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Napakahirap sabihin pero dapat kong kayanin, para din sa ikabubuti niya 'to..

"Opo!"

"Siya.." turo ko kay Trace na nakatitig sa'min.. "Siya ang papa mo."

Napatigil si Shirina at napatingin kay Trace na nakangiti at pinipigil na hindi tumulo ang luha niya.

Napatingin sa'kin si Shirina at hindi makapagsalita. Kinakabahan ako dahil baka hindi siya sumama kay Trace..

Napamahal na sa'min si Shirina, at alam kong napamahal na din kami kay Shirina..

"Shirina, siya si Papa Trace. S-siya yung papa mo. Yung boyfriend ng mama mo."

Agad na napaluha si Shirina na ikinaawang ng labi ko, yumakap siya kay Trace na niyakap din siya at napaluha.. "I-i'm sorry.. I'm sorry.. 'Wag ka ng umiyak, please.." pilit na pagpapatahan ni Trace, napatakip ako sa mukha ko. Hindi ko na kayang makita silang umiiyak dalawa, ang kirot sa dibdib.

Love Has No AgeWhere stories live. Discover now