Chapter 06

57 3 0
                                    


...

"Kung sa tingin niyo, maidadaan niyo 'ko sa patingin-tingin niyo at titig-titig.. Hindi! Nagkakamali kayong lahat! 40 kayo dito sa classroom, pero! Dalawa lang ang nakasagot!"

Napayuko naman kami.. Si Miss Lia, siya ang terror na teacher pagdating sa kababaihan. Kanina pa kasi kami pinapasagot ni Miss Lia, kami lang ni Oliver ang nakasagot.. Language ang subject niya.

"Si Mister Osario at Miss Arevalo lang ang nakasagot, ano bang tingin niyo sa subject ko?! Minor? Nasa 3rd year na kayo, hindi pa din kayo makasagot? Hindi na kayo mga SHS lang! Or 1st years!" nagkatinginan kami ni Oliver at sabay na napangiwi.. "Now.. Mister Osario and Miss Arevalo.. "

"Yes po?"

"Get out, and take your recess.."

Nagkatinginan ulit kami ni Oliver at dahan-dahang tumayo. Kinuha ko ang libro ko at ang bag ko, tumango naman ako kay Oliver at naunang lumabas..

"Grabe, 'no?"

Napalingon sa'kin si Oliver, nakasandal siya sa tabing locker ko, "Yep."

"Ang aga nating magrecess.. Sa'n mo gustong pumunta?"

"Anywhere."

Napahinga ako ng malalim at tinago ang mga libro ko, pagkalock ko non, tumingin ulit ako kay Oliver..

"Gusto mo, sa labas tayo?"

"Okay. "

Ngumiti ako at inayos ang uniform ko, inalalayan niya 'ko papunta sa tapat ng guard..

"Sir, Ma'am. Saan po kayo pupunta?"

"Ah, Kuya.. D'yan lang po kami sa tapat.. Kakain."

"Ha? Eh, maaga-aga pa, nasa kalahati palang ang oras bago magrecess, baka naman cutting kayo?"

"Ay, Kuya. Hindi po, maaga po kasi kaming pinalabas ni Miss Lia."

"Ah, gano'n ba? Oh, sige. D'yan lang sa kabilang kanto kayo, ha?"

"Opo. Salamat, Kuya." ngiti kong sabi at tumingala kay Oliver na nakatitig sa'kin, pinapanood ako.. "Tara na.."

Nauna akong lumabas at huminga ng malalim, tumingin-tingin ako, at nakita ang tapat na lugawan.. Agad akong sinundan ni Oliver.. Madalas kami dito.. Eh, nilalakad talaga namin 'to ni Riya noon..

"Hi po, Ate!" bati ko kay Ate Remi na tindera dito.

"Uy! Ikaw pala, Shai! Ano? Kakain ka?"

"Opo naman, lugaw siyempre, dalawa.. At saka.. Lumpia dalawa.. Itlog na rin, at.."pinutol ko ang sasabihin, at tumingin kay Oliver na nakatitig lang sa'kin.. "Anong drinks mo?"

"Water."

Tumango ako. "Tubig." harap ko kay Ate Remi..

"Osige. Hintayin niyo lang." ngiting sabi niya, humarap ako kay Oliver at sabay ng umupo.

"Are you always eating here?"

"Bakit?"

"You're so close between that Ate Remi?"

"Ah, oo. Dito kasi kami madalas kumain ni Riya noon, simula Junior High School palang kami."

Tumango-tango siya. "That Riya--your friend.. Is she a party girl?"

"Bakit? Curious ka ba sakaniya?"

"Not much. Para kasi siyang party girl.. You know, seducer."

"Oliver? Hahaha! I told you before.. Gano'n talaga ang ugali niya. Besides, kung tahimik si Riya hindi babagay sakaniya."

Love Has No AgeKde žijí příběhy. Začni objevovat