Chapter 04

50 3 0
                                    


...

"Ano nanaman? Palagi mo na lang akong pinapapunta dito, Riya. May ginagawa ako."

"Wow, ha.. Galit na galit? May sama ng loob?"

Nagbabasa ako ng mga libro na kakabili lang ni Papa kanina, para 'yon sa akin talaga.. Nag-advance reading ako, para kapag may nagtanong sa'kin about sa mga subjects or pasilip kung tawagin ng iba, may points na agad ako! Oh!

"Eh, bakit ba kasi?"

Ngumiti siya at hinatak ako sa loob ng kwarto nila, napalingon ako sa gilid ng sliding door nila, kung saan, nandoon ang study table at nakaupo naman si Kuya Louie, na nakasuot ng salamin, nakaputing t-shirt siya habang nagtitingin-tingin sa libro niya.. Hinahanda na niya siguro yung lesson planner..

Tinikom ko ang bibig at umupo sa kama nila, tahimik na umupo din si Riya sa tabi ko.. "Tignan mo 'to." patingin niya ng cellphone..

Nakakunot ang noo'ng tinignan ko 'yon. Napa-ikot ko ang mata nang makita ang isang lalaking nakasuot ng puting longsleeve at black pants, simple lang yung ayos ng buhok niya, pero naghuhumapaw sa kagwapuhan, nakangiti pa siya at may padimple sa parehong pisnge, ooh..

"Ang gwash, 'di ba?"

Tumango ako.. "Yup, oh, ano?"

"Ang sabi ni Kelly, bago daw siyang member ng basketball team sa SRSPC, nakakatuwa, 'di ba? Bukas mame-meet natin siya!!"

"So?"

"Makikita natin siya! Shaks! Ang hot niya!"

"Yup."

"Ano nanaman 'yan, Riya?" napalingon kami kay Kuya Louie, na patuloy parin sa paggawa ng lesson planner..

"Ah, wala 'to, Kuya.."

"Baka naman may ginagawa ka d'yan?"

"Wala, ah! Masyado ka namang suspicious!"

Napabuntong-hininga ako..

Kinabukasan.. Tumingin ako sa salamin habang suot-suot ang unirform ko, wala pa'ng I.D syempre, first day of class palang, eh.. Itinali ko ang buhok into ponytail at sinuot ang bag ko.. Napatingin ako sa mga kapatid kong nakahanda na rin..

"Tara." yaya ko, nagmano kami kila Papa at Mama atsaka tumingin sa bahay nila Riya na saktong kakalabas lang ni Riya, tumakbo siya papalapit sa'kin at kinawit ang braso sa'kin..

"Le'sgo!! I will meet the fafa's!" bulong niya.. Napairap agad ako dahil doon..

Kahit kailan talaga, napakaharot!

"Good morning po." bati ni Kuya Louie kila Mama at Papa, tumango lang sila..

De lakad lang kami, wala lang. Malapit lang din kasi sa'min ang SRSPC, no need ng mag-tricycle o kaya, kotse..

Tahimik lang kami sa paglalakad, hanggang sa makapasok na kami.. Sila Seah at Sean, kumaway sa'kin dahil sa kabila ang building ng mga highschools. Ngumiti kami sa guard at tuluyan ng pumasok..

"Napakagandaaaaaaa!" sigaw ni Riya at kumaripas ng takbo, marami ng estudyante kaya marami na talagang tumitingin sakaniya, napasapo ko naman ang noo..

"Ang kulit naman ni Riya.." Napalingon ako kay Kuya Louie na malamig na nagsalita, umiwas ako ng tingin.. Tumakbo papalapit sa'kin si Riya at kumawit ulit sa braso ko..

"Sa'n ka na dederetso, Kuya?"

"Sa faculty.."

"Alam mo kung saan?"

Love Has No AgeWhere stories live. Discover now