Chapter 31✓

394 6 3
                                    

                    •DELIGENCIA•

Tahimik kaming dalawa sa loob ng kanyang sasakyan habang binabaybay ang daan patungo sa kanyang sariling bahay.

 
Nag-iisa lamang ang kanyang bahay sa bahaging lugar na ito. Puro punong kahoy ang makikita habang tinutungo ang daang ito.

 
Bumukas ang gate dahilan ng pagpasok ng sasakyan sa loob. Nakarandam ako ng kaba ng makita ang pagsarado nito.

 
Kanina ko pa naiisip kung tama bang sumama ako sa kanya dito. Alam kung galit siya sa ginawa ko sa kanya kaya hindi posible na saktan niya ako ngayon.

 
Ngunit kaylangan kung makuha ang mga papeles na sinabi niya sa akin. At ang lupain rin na pwedi naming magamit sa susunod na mga taon.

 
Nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga ng tinignan niya ako. Matapos niyang tanggalin ang kanyang seatbelt ay naramdaman ko ang kanyang kamay malapit sa aking dibdib.

 

  
Naramdaman niya siguro ang gulat sa aking mukha dahilan ng kanyang pagsalita.

  
"Seatbelt" tatanggalin ko sabi niya sa akin.

Masyadong malapit ang kanyang mukha sa akin. Ramdam ko ang hininga niya sa aking mukha.

 
Mas dumiin siya dahilan ng mas pag-isog ko paatras.

Scared now? nanunuya niyang tanong sa akin. Mariin ang kanyang pagkakasabi nito at ramdam ko ang galit niya.

  
Nahinto siya sa kanyang sasabihin ng itinulak ko siya. Ako na kaya ko na, mahina kung sabi sa kanya.

 
Mabilis niyang ibinalik ang kanyang kamay sa dibdib ko.

Bakit diba nahawakan ko na naman ang mga iyan tukoy niya sa dibdib ko. He chuckled after saying that.

 
Yumuko ako dahil sa takot na aking nararamdaman. Bumaba ang kanyang kamay  patungo sa skirt kung suot.

Plea...,please tama na bulong ko sa kanya. Naiinis ako sa sarili ko dahil narin sa kaawa-awa kung sitwasyon ngayon.

 
Naramdaman ko ang pagtangal ng seatbelt na suot ko. Umatras siya at lumabas. Mabilis kung pinahid ang luhang umagos sa aking mga mata.

 
Ngayon ko naramdaman ang pagsisisi kung bakit ako sumama sa kanya. Bumukas ang pintuan sa akin tagiliran.

 
Labas, sabi niya sa akin. Hinila ko pababa ang skirt na suot ko. Ngayon ko pinagsisisihan kung bakit ito ang sinuot ko sa araw na ito.

 
Bumaba ako sa kanyang sasakyan. Hindi ako gumalaw dahil narin sa nakakatakot niyang boses.

 
Binuksan niya ang pintuan at iginiya ako papasok sa loob. Nang lingunin ko siya ay nakita ko ang pag lock niya sa pinto. Gusto kung takbuhin iyon at pigilan ang pagsara niya dito. Ngunit parang nag-ugat ako sa naiisip.

 
Hindi kaya't papatayin niya ako dito. Pwedi niyang gawin iyon sa akin. Walang tao ang malapit dito kaya't walang makakatulong sa akin kung nagkataon.

 
  
Ah..., lalabas nalang siguro ako nauutal kung sabi sa kanya. Sa susunod ko nalang kukunin ang mga papeles.

 
Alam kung naramdaman niya ang takot sa aking boses dahilan ng mahina niyang pagtawa.

 
Tutungo na sana ako sa pinto ng mabilis siyang humarang.

Bakit ka naman aalis hindi mo ba man lang kukunin ang lupain na gusto mo? Nahimigan ko ang pagkakatuwa niya sa nangyayari.

 
Dahan dahan niya akong nilapitan dahilan ng pag-atras ko. Plea..., hindi kuna natuloy ang aking sasabihin ng mabilis niya akong hinawakan sa braso. Mariin ang pagkakahawak niya dito.

 
Kinaladkad niya ako patungo sa malapit na sofa. Hindi nakatakas sa aking boses ang tili ng mabilis niya akong tinulak pahiga.

 

Desiring herWhere stories live. Discover now