Chapter 5✓

733 14 1
                                    

                    •DELIGENCIA•

   
Pagkagising ko ay maaga akong naligo pagkatapos mag saing ng kanin. Nag luto narin ako ng gulay para sa agahan. Pinapakain ko na ang mga alagang manok ng marinig si nanay.

Ba't ang aga mo gumising ngayon? tanong ni nanay.

 
Baka kasi maaga si Teddy ngayon nay. Si Teddy ang sinasakyan ko papunta sa skwelahan at pagka uwi ko naman ay nag je-jeep at trisicle na lamang ako.

 
Ay oo nga pala natanggap na iyon sa trabaho kaya maaga nang pumapasok. Nangiting sabi ni nanay.

 
Bata palang kami ay magkaibigan na kami ni Teddy at Jerson. May kaya ang pamilya niya kaya nakapagtapos siya ng engenering. Mas matanda siya ng limang taon sa akin. Tinuturing narin niya akong kapatid. Dahil sa simula palang ay malapit na kami sa isa't isa.

 
Namamalagi siya dito sa amin pag wala na siyang ginagawa sa kanila.
Nakapagbihis na ako ng uniforme ng marinig ko si nanay sa baba.

Gen, bilisin mo diyan nadito na si Teddy!

 
Nakababa na ako ng matanaw ko si Teddy na malaki ang ngisi.

"Huy, ganda ah!" pabirong sabi ni Teddy.

Bakit palagi naman ah? natatawa kung sabi sa kanya.

Teddy, mag agahan ka muna katatapos lang naman ni Gen mag agahan. O mag kape man lang sabi ni nanay. Oo nga, sabat naman ni tita.

  
Ah..., tapos na po ako nay, nanay kung napakaganda at tita ko naman na napakabait. Tumatawa niyang sabi.

Ikaw talaga, kinurot ni nanay ang kanyang tagiliran. Pala biro ka parin talaga. Kaya ikaw talaga ang gusto ko para kay Gen.

 
Nay naman! Pinutol ko na ang sasabihin ni nanay. Palagi niya kasi itong sinasabi pag nadito si teddy.

Sige na nay, tita mauna na kami sabi ko sa kanila. Eh, paano baon mo? Tanong ni nanay.

 
May pera pa naman ako nay kaya okay lang, sige bye mauna na kami.
Nagpaalam rin naman si Teddy sa kanila kaya't umalis na kami.

Nasa loob na ako ng sasakyan ni Teddy nang sabihin niya.

Okay lang saakin ang sinabi ng nanay mo Gen, nakangiti niyang sabi.

Ano kaba nagbibiro lang si nanay at magkaibigan kaya tayo kaya't imposible na mangyari 'yun.

  
Nasa labas na kami ng school ng sabihin kung dito nalang ako i baba ni Teddy.

 
Salamat Teddy boy, pabiro kung sabi sa kanya.

Basta ikaw sabi niya pagkatapos niya akong kindatan.

Sige, mag ingat ka sabi ko sa kanya.

Ikaw rin, mag ingat ka bawal boyfriend ah sinasabi ko sayo, nakangisi niyang sabi.

Oo, ako pa! Nakangiti kung sabi.

  
Nakapasok na ako sa gate ng makita ko si Rafael na nakahilig sa kanyang sasakyan habang nakatingin sa akin. Bago na naman ang kanyang sasakyan na kulay itim.

Yumuko ako at lalampasan na sana siya ng magsalita siya.

"Sino yung nag hatid sayo?" Yung lalaki na naman ba yung bestfriend mo? Mariin niyang sabi.

 
Ah..., Oo si Teddy kaibigan ko.

Psst..., what an ugly name. He said it in the meanest way. Wag ka ng magpahatid 'don nagseselos ako, dire diretso niyang sabi.

Natawa naman ako, at paano ako papasok? Lilipad? Nagmamagandang loob na'nga iyong tao.

At bakit ba kaylangan ko pang sabihin sayo. Sino kaba? Classmate lang kita ui.

 
Ako lang naman ang magiging partner mo, this upcoming prom at ang magiging future boyfriend mo at soon to be husband narin kung papalarin, nakangisi niyang sabi.

Kulit mo talaga, napapailing kung sabi. Hindi ko alam kung bakit may tumakas na ngiti sa aking labi.

🌌🏞️🏜️
 

Desiring herTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon