Chapter 30✓

363 10 4
                                    

                   •DELIGENCIA•

  
Dahil narin sa galit ay mabilis ko siyang nilapitan upang sampalin. Ngunit natigil ako ng mariin niyang hinawakan ang aking kamay dahil sa tangka kung pag sampal sa kanya.

 
"Ikaw pa to ngayon ang galit?" Mariin niyang sabi. Bakas sa kanyang boses ang galit at pagkasuklam.

 
"Diba ako dapat ang galit dito?!" Pasigaw niyang tanong sa akin habang paunti unting lumalapit sa akin.

Manggagamit ka!

Nahinto na lamang ako sa pag-atras ng maramdaman ko na ang pinto sa aking likuran.

 
Hihingi ako ng tawad sayo dahil sa aking ginawa. Naging masama ako sayo pero dahil rin naman 'yun sa pamilya mo.

 
Kung hindi lang sana nyo pinakialaman ang lupa na ginagamit namin eh wala sanang problema. At maraming masasamang ginawa ang pamilya  mo noon paman! Sigaw ko sa kanya pilit na pinapatatag ang sarili.

 
 
So naisipan mong gumanti sa akin?

Nakadama ako ng matinding takot dahil narin sa tono ng kanyang boses. Mahinahon at mariin ito na para bang pinapatunayan niyang gaano ako ka bobo na siya ang napiling lukohin.

Wag kang mag-aalala lilipat na kami ng bahay. Aalis na kami sa lugar na ito na pag-aari ng pamilya mong masama!

 
Kaya palabasin mo na ako dito at ng makaalis na ako. Malakas siyang tumawa na para bang may nakakatawa sa aking sinabi.

 
Why leaving so soon? Panunuya niya. Hindi mo ba i cli- claim ang lupa? Pinaghirapan mo 'yun diba? O baka naman madali lang sayo ang ginawa mo sa akin dahil alam mong may gusto ako sayo?

 
Na alam mong gagawin at ibibigay ko sayo ang lahat! Na handa akong maging tanga para sayo!

 
Tama ka! Masama kaming tao lalong lalo na ako! Napapikit ako ng malakas niyang sinuntok ang pintuan dahilan ng pagkabalisa ko.

 
Naramdaman ko na lamang ang pag agos ng aking luha sa aking mga mata. Ngayon pa lamang ako nakaramdam ng ganitong klase ng takot.

 
Alam ko sa sarili ko na pweding pwedi niya akong saktan ngayon. At gawan ng masama.

 
Before you leave, you need to claim your prize. Sayang naman diba? Nagawa mo pang magpahalik sa akin kahit na hindi mo naman talaga ako gusto.

 
Sasama ka sa akin at ng maibigay ko sayo ang lupain kasama ang mga papeles mo dito sa paaralan. Ako ang may hawak ng lahat ng iyon. Kaya kung gusto mong makuha iyon sumama ka sa akin.

 
Naramdaman ko ang pagbukas ng pintuan. Mabilis kung pinalis ang luha sa aking mga mata. At inayos ang sarili para makasunod sa kanya.

 
Nakasunod ako ngayon sa kanya. Lahat ay nakatingin sa amin ngayon. At ng nakarating na sa harap ng kanyang sasakyan ay binuksan niya ang pintuan nito para makapasok ako.

 
Mabilis kung sinuot ang seatbelt ng makita siyang umikot para makapasok narin sa loob ng sasakyan.

 
Bakas parin sa kanyang mukha ang galit at pagkamuhi sa akin. Ang nasa aking isipan ngayon ay ang aking mga papeles. Kaylangan kung makuha ang mga iyon upang maiwasan na ang pagbalik rito upang kunin iyon para maipag-patuloy ko ang college.

 
Nais ko ng kalimutan ang mga nangyare dito sa amin. At magsimula ulit ng bago doon sa aming lilipatan.

 
Ngunit kung ibibigay rin naman niya sa akin ang lupain ay maluwag ko itong tatanggapin. Sa tingin ko ay dapat nga lang niyang ibigay iyon sa amin kulang pa iyon sa kasalanan ng pamilya niya sa pamilya ko.

 

Desiring herTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon