Chapter 18✓

379 4 1
                                    

                    •DELIGENCIA•

 
Salamat Teddy, sabi ko sa kanya habang nagmamadaling bumaba sa kanyang sasakyan.

Walang ano man basta ikaw at mag ingat ka! Pasigaw niyang sabi sa akin.

Ikaw rin ingat ka!

  

Nag-alala kasi masyado si Teddy, kina nanay at tita kaya naisipan na niyang kausapin muna ito. Kaya na late na tuloy kaming dalawa dahil naging emosyonal agad si tita pati si nanay.

  
Pagkapasok ko sa silid ay nagsisimula na sa pag-tuturo ang aming adviser sa first subject.

Good morning po, magalang kung sabi sa kanya. Tumango lamang siya sa akin kaya pumunta na ako sa aking upuan.

  
Hindi rin kasi ako nahuhuli sa klase kaya siguro pinalampas niya ako ngayon. Ayaw kasi niya na may nahuhuli pa sa kanyang pumasok sa loob ng silid.

  
Natanaw ko si Rafael na nakangiting tumitingin sa akin sa likuran ng aking upuan. Nasa tabi ko na ulit ang kaklase kung pinakausapan niya noong isang araw.

  
Ba't ka late? pabulong niyang sabi sa akin.

Nilingon ko siya at nagulat ako ng muntikan ng mag tagpo ang aming mga labi dahil sa lapit ng mukha niya sa akin.

  
Namula naman siya, habang bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat rin.

Ngumiti ako sa kanya, may maliit lang na problema kaya nahuli ako ngayon sabi ko sa kanya.

  

Tumango siya sa akin, baka may maitutulong ako? Sabihin mo lang nakangiti niyang sabi.

Sa loob-loob ko ay para na akong sasabog sa galit. Ang kapal ang pamilya mo ang problema tas ngayon magtatanong ka?

  
Wala, naayos na sabi ko sa kanya pilit na itinatago ang galit ko. Ibinalik ko agad ang aking atensyon sa pag-aaral.

Sabay tayo mamaya ha? Nag-luto ako para sa ating dalawa nakangiti niyang sabi.

   
Iwan ko ba, eh palagi namang nakangiti ang isang to. Pero alam kung may sama itong tinatago katulad ng pamilya niya. Kaya hindi ko babaguhin ang planong naisip ko kahit alam kung masasaktan siya sa gagawin ko.

  
Nag-luto ka? nakangiti kung tanong pabalik sa kanya. Sige, ikaw na ang bahala kung saan. May importante rin kasi akong sasabihin sayo.

 
Tumango lamang siya sa akin na para bang bata na pweding pwedi kung paglaruan. At iyon naman ang gagawin ko sa kanya ang paglaruan siya gamitin para mapakinabangan.

 
Makukuha ko rin ang titulo ng lupain namin pabalik. At siya ang gagawa 'non para sa akin.

  
Natutuwa naman ako ng naintindihan ko ang lahat ng itinuro ng adviser namin sa araw nato kahit may galit akong kinikimkim ngayon.

  
Ako na, sabi niya sa akin tinutukoy ang bag ko. Tapos na ang aming klase ngayon at papunta na kami sa lugar kung saan niya kami gustong kumain.

  
Pwedi ba riyan tanong ko sa kanya ng papasok na kami sa isang building na hindi pweding puntanan ng mga estudyante.

   
Ah..., pwedi pinagawa to para sa akin. Tipid niyang sabi, dito tayo kakain walang istorbo dito. Tayong dalawa lang, masusulo kita nakangisi niyang sabi.

  
Nang makapasok ay namangha ako ng makita na parang bahay ang nasa loob nito. May lutuan at may higaan 'rin sa gilid, may lamesa at mga upuan may malaking TV rin kung saan pwedi kang manuod.

  
May mga libro rin at computer kung saan pwedi kang mag-aral.

  
Pinagawa ko to noon at madalang ko lang tong ginagamit. Pag na bo-bored lang ako, dito ako tumatambay kasama ang kaibigan.

   
Maupo kana ihahanda ko lang tong pagkain tukoy niya sa pagkain na niluto niya. Hindi ko alam kung totoo bang siya ang nagluto 'nun. Pero ng pumunta ako sa bahay niya wala naman akong katulong na nakita 'don.

Desiring herWhere stories live. Discover now